Boy Abunda’s partner has spat with Vicki Belo

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

DETALYADONG INIHAYAG NI Boy Abunda ang totoong kuwento sa pagdawit ng pangalan ng kanyang partner na si Bong Quintana sa isyu nila ni Dra. Vicki Belo. Pilit na idinadawit kasi ang pagbebenta ng tiket noon at pagpapa-lipo ni Bong noon kay Belo sa ginawa niyang panlalait kamakailan kay Kuya Boy on national television.

“Una muna, tapos na talaga ito, ha? Totoo ‘yan. Kasi nag-apologize na si Vicki. Tinatanggap ko naman ang kanyang apology. So, let’s all move on. Pero dito kasi, kasali na si Bong. E, ayoko namang si Bong, kasali ‘di ba? Ako na lang. Pero dahil sa naisali, ikuwekuwento ko ang totoo ,” simula ni Kuya Boy nu’ng makausap naming siya sa Showbiz News Ngayon.
Prior to 2006, hina-handle na raw niya si Vicki, officially and unofficially. At ‘pag may special events ang Belo, kay Bong nila pinapagawa. Kaya nagkaroon din ng personal na relasyon si Bong kay Vicki at dati nitong business partner na si Joey Santos.

Two years na raw sinasabi ni Dra. Belo na magpa-lipo si Bong sa clinic niya para ‘yun na raw ang regalo niya sa partner ni Kuya Boy. And it took two years bago napagbigayn ni Bong si Dra. Belo. Pero binabayaran daw ni Bong ang anesthesiology.

“Nag-produce kasi sa opisina. Meron silang mga in-house productions. Si Frenchie Dy ito. ‘Yung mga Zirkoh. Si Bong was in-charge ng mga production. Nagpadala ito ng Vangie Kua who was then the Girl Friday of Vicki and PR of Vicki ng P10,000 worth of tickets. It was Bong and Vangie who were talking, okey.

“One day, sometime in 2006, hindi ko na maintindihan, we all got a text message from Vicki. Saying, that Vangie was not connected anymore with Belo, kasi nga may problema. At medyo kasali pa nga ako doon kasi that has something to do with my clothes, parang ganu’n. So, si Bong sabi, ‘Ay, wala na pala si Vangie.’ He called Vicki. Sabi niya, ‘Naku, Vicki, nagpadala pa naman ako ng tiket.’ But I understand because during that time she’s going through difficult times. Naintindihan ko ‘yun.

“Si Bong naman out of ano, ‘Vicki, paano ‘yun? P10,000 worth of tickets! Saan ‘yung tickets ko?’ ‘Ano’ng tickets,’ sabi ni Vicki, in fairness to Vicki. ‘Yung kay Frenchie Dy.’

‘Sino’ng Frenchie Dy? Banda ba ‘yan?’ Sabi ni Bong, ‘Hindi, ‘yung nanalo ‘yan sa Star In A Million.’

“Doon binitawan ni Vicki ‘yung salita. Na sabi niya ‘You get free services na nga from the clinic, binebentahan mo pa ako ng tickets?” Tumahimik si Bong. Ginawa ni Bong, he sent, it’s not true na there was a check, ha? Na nagbayad, tapos isinoli. That’s not true, okey. There was no payment made.

“Ang nangyari nu’n, kasi si Bong kilala niya akong mag-react. Pinapagalitan ko siya. Pinakuha sa messenger. Ang pangalan nu’ng messanger Amar, ang tickets sa Morato (Belo Clinic). Ipinakuha, na-pull-out ang tickets. Nu’ng na-pullout ang tickets, doon lang sinabi ni Bong sa akin,” kwento ni Kuya Boy.

Inamin ni Kuya Boy na nagalit siya sa ginawa ni Vicki kaya tinawagan niya ito at sinabi that they have something to resolve. Hanggang nagharap sila kung saan humabol na lang si Kris Aquino. Wala raw roon si Bong dahil ang isyu na is between him and Vicki dahil nasaktan si Kuya Boy.

“Kasi ang feeling ko, Vicki kung meron kang… kung ayaw mo, sabihin mo na lang pass na muna. Pero huwag kang magsasalita ng salitang nakakasakit. Kasi naging personal ako doon. I’ll be very honest, naging personal ako doon. ‘Yung, alam mo ‘yung galit na magkaibigan? Tayong dalawa ang mag-usap, huwag iba.

“Ah, marami pa, marami pa akong binitawang salita. Pero ang importante, in 2006, today is 2009, nagtapos ang dinner na ‘yun tapos ang kuwento. Nagkaayos kami, nag-usap kami. Niregaluhan pa niya ako ng mga sapatos right after that meeting. We were okey.

“Pero the point is, in 2006 okey kaming nagtapos. I’ll be very honest kasi this is the last time I want to talk para lang maklaro. And then the Kris Aquino controversy happened. The Kris Aquino thing happened. Wala kaming away ni Vicki. Hindi kami nag-usap. Tumahimik lang ako. Kasi ayokong maipit sa gitna. I decided not to talk to her also in deference to Kris who I work with everyday.

“Kaya sinasabi ko parati, wala naman kaming pinag-awayan ni Vicki, e. Assuming na kinu-consider niya na away namin ‘yung ‘Bong,’ hindi naman ako ‘yun. Why am I talking about this? 2006 ito. Huwag sabihin na ito ang dahilan kung bakit nagpa-interbyu sa kabila at sinabi niya ang kanyang sinabi. Walang relasyon ‘yun. You know in 2006, iba ‘yun. At dapat hindi lumabas, amin lang ‘yung magkakaibigan,” diin pa ni Kuya Boy.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.