Boy Abunda – super generous, may kamera man o wala – Ogie Diaz

KUNG NATUTUWA NA tayo sa mga artistang aktibong dumadamay sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng, mas nakakatuwa siyempre ‘yung makakarating na lang sa kaalaman natin na “quiet” lang na nagsasagawa ng kanilang sariling relief operations.

Tulad na lamang nina John Prats, non-showbiz friend Gelo Serrano at Vhong Navarro.  Sila mismo ay tumulak ng Rizal para mamahagi ng kanilang pinagsanib-puwersang lakas ng relief goods.

Juice ko naman, sa laki ng kinikita nila sa product endorsements pa lamang, gasino nga lang naman ‘yung makakaltas sa kaban ng yaman nila para i-share sa mga kababayang nangangailangan, ‘di ba?

At least, ‘di ba?  ‘Yung ibang artista nga, manhid.  Walang pakiramdam.  No reaction.  Deadma.

[ad#post-ad-box]

SI ERIC FRUCTUOSO naman ang nagkuwento sa amin na sumama sa kanila si Papa Piolo Pascual para mamahagi rin ng relief goods kasama ang kanilang grupo na nagsimula sa teleseryeng Lobo.

“Nakakatuwa si Pj, mare!”  Wala nang kokontra, ‘yan ang tawag sa amin ni Eric–tumataginting na mare. “Mas type niya sa amin sumama kasi nga, ang dami nang artista sa ‘Sagip Kapamilya.’ At as much as possible, ayaw niyang makunan ng kamera ang kanyang ginagawang pagtulong.

“Kaya nga hanga nga ako sa taong ‘yan, eh.  Sikat na sikat, pero walang yabang sa katawan!”

MATARAY NAMAN SI Kuya Boy Abunda.  Talagang kahon-kahon ang ibinaba para sa mga nasalanta sa bayan ng Cainta.  Juice ko, alam n’yo, ke me camera o wala, si Kuya Boy ay likas nang generous.

Juice ko, ayaw na naming isa-isahin pa ang mga natulungan niya.  At sa totoo lang, isa kami sa mga kaibigan niyang sine-share niya ang kanyang blessings.  At proud kaming maging kaibigan ng isang Boy Abunda.

Ilang pabor na ang hiningi namin kay Kuya Boy na hindi niya sa amin ipinagkait, kaya naman in return, mahal na mahal namin ang taong ‘yan.   Promise.

Blind Item: Utang ng mayor sa event organizer, ipinagpapabukas palagi

Wag n’yong kakalimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Boy Abunda – super generous, may kamera man o wala – Ogie Diaz

  1. kaw na din nagsabi. mahal na mahal mo si boy kasi generous at laging nag-share, kung hindi kaya generous si Boy Abunda…… mahalin m o din kaya????? PWeeee…..

  2. mabait talaga si boy abunda. my friend was one of his talents before. all out daw ito tumulong and talagang ipagtatanggol ka without you even asking for it.

  3. I don’t think Boy is a good friend. Boy should be called MR.Laglag. Di ba nilaglag niya si Cristy Fermin over Kris Aquino, considering na since college na noong walang wala pa sila ay magkaibigan na sila. I can’t blame him kasi si Kris mapera at kilala sa lipunan, di ba social climber si Boy. Then he dropped Villar, kasi nga, he just want to make sure na doon siya sa malamang manalo kaya he jumped in Noynoy’s camp. If he wins the presidency, ang tibay nga naman niya. Fame and money, iyan ang importante. Kung talagang kaibigan siya ni Kris, she would understand, kasi prinsipyo mo nakataya. Shame on you BOY

Leave a Reply

Your email address will not be published.