Boy Abunda, napatawad na si Erik Santos!

BLIND ITEM: ILAMBESES na palang ginagawa ng isang bagets actor ito. ‘Yung nagnanakaw siya ng halik. One time, sa taping ng youth-oriented show, habang hindi pa take ay nagbibiruan sila ng isang newcomer.

Eh, dalawa lang sila that time. Sa gigil ng bagets actor na ito, sinunggaban niya ng halik ang newcomer. Inismak nang bonggang-bongga sa lips. Na-shock ang newcomer. Hindi agad nakapagsalita.

Noon lang na-realize nito na bading pala ang bagets actor. Hindi lang namin alam kung saan na tumuloy ang halik na ‘yon. Malay ba naman namin kung tuluyan nang iniwasan ng newcomer ang bagets o in-entertain pa nito ang bagets na magnanakaw ng halik.

May nagkuwento rin sa amin noon na isang non-showbiz friend (na siguro, 35 years old na ngayon). Mga 9 years old pa lang daw ang bagets actor nu’ng time na mangyari ang kanyang kuwento.

Kilala kasi ng aming friend ang parents ng bagets. Nanood ng taping ng isang children’s show noon ang aming friend.  Nagkataon na naihi ang friend namin at ang noo’y child actor, sabay silang nagtungo sa CR.

Habang magkatabi silang umiihi sa urinal, na-shock na lang ang a-ming friend, dahil sinisipat-sipat daw ng bagets ang kanyang nota. At noon di’y hindi niya pinag-isipan ng masama ang bagets.

Pero pagkatapos nilang umihi pareho, sa tangkad ng friend ko, biglang tumingkayad ang bagets at hinalikan sa labi ang aming friend. Na-shock siyempre ang aming kaibigan.

“Tito, ‘wag n’yo pong sasabihin sa mami at daddy ko, ha? Sorry po!”

“’Wag mo na lang uulitin ‘yon, ha? Masama ‘yon,” sey na lang ng aming friend.

Kaya feeling namin, naeelya ang bagets ‘pag nagnanakaw ng halik.

Eh, ngayong grown-up na siya, hindi lang namin alam kung ‘yun pa rin ang ginagawa niya o lumevel-up na siya at “sumi-sing-along” na rin ngayon.

Kunsabagay, pasok na pasok sa banga kapag ang role niya ay bakla-baklaan.

 

ALL’S WELL THAT ends well sa pagitan nina Kuya Boy Abunda at Erik Santos. “Giyera” pa ring maituturing ang isyu kina Tita Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Kina Kuya Boy at Erik, happy kaming malaman na okey na sila’t napatawad na ni Kuya Boy ang Prince of Pop.

Between Tita Annabelle and Nadia naman, kilala rin naming pareho sila. Kung kanino kami mas naniniwala?

Naalala namin ang isang dating kaibigan ni Nadia. Napakahaba ng usapan namin sa telepono nito. Na kesyo hindi man lang naalala ni Nadia ang naitulong niya sa kanyang pamilya at siya pa ang binaligtad.

Mula raw nang mangyari ‘yon, hindi na raw siya nakipag-close pa kay Nadia. Meron din daw utang sa kanya si Nadia, pero ililista na lang daw niya ‘yon sa tubig kahit pa raw pinalalabas ni Nadia na ang daming naitulong nito sa kanya.

Parang gano’n din ang kuwento ni Tita Annabelle.

Part 2 ba ito ng unang kuwentong nakarating sa amin?

 

AFFECTED KAMI AFTER watching No Other Woman, hindi dahil nakaka-relate kami sa istorya, dahil unang-una, sino ba kami kina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di ba?

Si Anne Curtis, hindi namin naramdamang siya si Anne, kundi siya si Kara, ang kabit ni Derek. Ang husay-husay ni Anne.  Simple lang din ang atake ni Cristine sa kanyang character. Habang si Derek naman na pinag-aagawan ng dalawang girls ay parang ang laki-laki ng bird, hahaha!

Ang ganda ng batuhan ng dayalog. Feeling namin, dinagdagan ‘yon ni Direk Ruel Bayani, kaya me mga linyang: “I-pack up mo na d’yan sa katawan mo si Lucy Torres. Ilabas mo na si Gretchen Barretto at ako na ang bahala sa red stiletto mo!

Hahaha! Waging-wagi ang mga linya.

Ay, oo nga pala, naalala na namin. Naka-relate kami kay Derek Ramsay.

Kalbo rin kami nu’ng araw.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Boy Abunda, napatawad na si Erik Santos!

  1. nakakatwa tong si shebie, kasi ako hindi ako nanunuod ng tv kaya hindi ko masasabing kaamilya or kapuso ako, kapag nanunuod ako dinadaanan ko lahat… pero ang pelikulang no other woman sure na kumita kasi anlakas ng dating even sa facebook andami kong friends na nagost ng trailer at nagsabing manunuod, nung pinanuod ko naman hindi ako nadisappoint kasi maganda nga… napanuod ko nga pala ang magic bibe ni marian sa youtube at pambata ang dating kung matured viewer ka hindi ka maeentertain…

  2. HINDI NAMAN MAGKA CONTEMPORARY YUNG DALAWANG PELIKULA PERO ANG ALAM KO LANG AMAYA IS KILLING THE COMPETITION IN THE PRIMETIME………..YUNG TAROT BLOCKBUSTER…………HAHAHAHAHA…………NO OTHER WOMAN PADDED!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. SASHA BUNIN KITA ng ANTI-FLEA SOAP – SOBRANG PANGIT TALAGA EH KUNG IHAHANAY ITO SA IBANG PELIKULA AY KATULAD ITO NG CLASSIC NA “KATABI KO’Y MAMAW”………HAHAHAHAHA……….YUNG 100M PALA AY PRESYO NG NASABAT NA PIRATED DVD NUNG PELIKULA…………PIRATA PALA DAPAT YUNG KIKITA…….HAHAHAHAHA

  4. nakakaloka ung unang nagcomment (shebie) sya lang yata ang bukudtanging nagsabi na pangit ang no other woman. KAPUSUCKS talaga sya napakabitter!

  5. nakakaloka ung unang nagcomment sya lang yata ang bukudtanging nagsabi na pangit ang no other woman. KAPUSUCKS talaga sya napakabitter!

  6. PADDED YANG 100M FIGURE NA YAN REHASH YUNG STORY AT GAYA GAYA NA NAMAN YUNG ABS………KAKAHIYA KASI KAHIT ANO GAWIN NILA ANG KAYA LANG NILA TALUNIN AY PTV4……….HAHAHAHA………ANG PANGIT NUNG NO OTHER WOMAN NA YAN……….

  7. congratulations to Star Cinema and VIva Films, talong talo ang GMA/Regal partnership. Imagine, Anne Curtis and Cristine Reyes starrer kumita ng 100 m+ and counting? That is what you call popularity, Anne because of Showtime and Cristine because of Reputasyon.
    Now you tell me, is AGB ratings reliable?

  8. erik naman bakit si kuya boy pa ang kinalaban mo na nag pasikat sayo eh kung di dahil sa kanya wa ka sana ngayon…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.