Boy Abunda, mas piniling manahimik sa isyu nila ni Cristy Fermin

TINUTUTUKAN NG SAMBAYANAN ang programa ni Kuya Boy Abunda tuwing Sabado ng gabi, ang The Bottomline – dahil sari-saring personalidad, na karaniwan nga eh, kontrobersiyal ang nauupo sa masasabing ‘hot seat’ para mausisa sa mga tanong na karamihan eh, hindi pa diretsahang naitatanong sa kanila.

Noong Sabado ng gabi, interesante ang guest ni Kuya Boy sa kanyang programa in the person of Illac Diaz. Kaya lang, medyo nanibago ang ilang mga taong tutok sa panonood nito dahil ang naging dating sa kanila eh, hindi pa natatapos sumagot ang subject, may kasunod na agad na tanong daw na inihahain kaagad si Kuya Boy.

Pinasyalan namin sa The Buzz si Kuya Boy at isa ito sa mga inusisa namin sa kanya.

“You should understand that it is an edited show. May mga portions kagabi (Saturday) na parang hindi natatapos. I would admit, nag-e-experiment din ako sa manner ng pagtatanong ko sa aking subject. Kaya, parang sunud-sunod. It was a style I was experimenting on my interviews.”

At sa mga hindi pa nakaaalam, natapos na ni Kuya Boy ang kurso niyang International Relations and Public Diplomacy – pero wala pa naman daw sa hinagap niya na pasukin ang pulitika, kaya ngayon nga, kaugnay sa ginagawa niyang pag-eeksperimento sa kanyang mga interviews, kumukuha naman siya ngayon ng Masteral in Communications.

Tinumbok namin ang tanong kay Kuya Boy na may kinalaman naman sa programang SNN (Showbiz News Ngayon) na babalikan na ni Kris Aquino this week, sa isyu ng pagtapat ng Juicy ng TV5 hosted by Cristy Fermin with Alex Gonzaga, IC Mendoza and Mo Twister.

“I am deliberately being quiet about it, ‘yung sa amin ni Cristinelli. And time and again, I have always said, pagdating sa mga tapatan ng mga shows, we’ve already matured in this business. Hindi ba? Ang mga ganitong bagay is something good for the industry. This is borrowed time, we are on borrowed time, hindi tayo lang ang mga anak ng Diyos. Ang maganda, more people have jobs. And our audiences have choices sa gusto nilang panoorin.”
SAMANTALA, WALA NAMAN daw kaso sa host na si Cristy Fermin kung mas madalas na niyang makakasama si Mo Twister sa Juicy, hanggang sa Paparazzi.

Wala naman daw nag-sorry sa kanila sa mga pinagdaanan nilang isyu na nauwi pa nga sa palitan ng mga sagutan sa ere.

Basta nu’ng pictorial daw nila para sa nasabing mga programa, nagkatitigan lang sila at nagyakap. Wala nang pinag-usapan pa.

Sabi naman ni Tita Cristy, magkaiba naman ang magiging atake ng dalawang programang maghe-head on sa time-slot gabi-gabi. Dahil mas daw sila sa mga opinyon sa mga isasalang nilang mga balita. At kasama pa niya ang kung ituring niya eh, mga ‘apo’ na niyang sina IC at Alex.

“Ang management ang nagdesisyon nito at kami naman eh, mga talent lang. Malamang na nanghihinayang sila na sa hapon ito napapanood. Dahil kung sa gabi nga naman eh, mas marami ang audience share na aming makukuha. Kahit pa siguro kung inilagay ito sa 12 midnight slot, kahit pa madaling-araw kung ito ang gusto ng management eh, susunod lang naman kami.”

Puwede bang kumustahin kung humupa na ang galit o tampo niya sa mga hosts ng makakatapat nilang programa?

“Kumain na ba kayo, mga anak?”

Mukha ngang malabo pa.

Kapirot na naikuwento ni Tita Cristy na nasa Macau that time si Willie Revillame kasama ang mga kaibigang kinabibilangan ni Governor Chavit Singson. Masama pa nga raw ang loob nito.

Binigyan naman daw niya ng pieces of advice si Willie sa mga sinalangan nitong pangyayari recently. At isa lang ang nasabi niya sa nasabing host na humamon sa kanyang istasyon:

“You don’t challenge the station. Although sa isang banda nga, ang sakit ng loob niya eh, may kinalaman sa eleksiyon at ang ikalawa nga eh, ang madaliang pag-init ng ulo niya, dahil nga kahit nasa gitna siya ng pagtatrabaho niya eh, sige nang sige ng kababalita o kabubulong ng mga hindi magagandang balita sa kanya ang nasa paligid niya. Pagod siya, mainit ang ulo, nasususugan pa. May mga panahon talagang sadyang si Willie, hindi kayang hawakan ang kanyang emosyon. Pati na ang kanyang ego.”

‘Yun na!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

17 thoughts on “Boy Abunda, mas piniling manahimik sa isyu nila ni Cristy Fermin

  1. ETO NAMAN SI BOY ABUNDA WALANG GINAWA KUNDI IPAGTANGOL SI KRIS NAPANOOD KO SNN ANG HABA NG EXPLANATION TUTANG TUTA ANG DATING

  2. willie hawag ka ng bumalik sa wowowee masaya n akami kay idol robin kay cristy pata ka na lang pumunta…

  3. kuya boy tama lang talaga na hwag kang sumagot sa crispy pata na yan gagamitin ka lang nyan naku hayaan mo sila ni willi ayaw na ayaw namin silang 2 dito…oust willie and cristy pata…

  4. Parang awa nyo na po hwag nyo ng ibalik si willi kase ayaw na namin sa kanya kahit sino wag lang si willie si robin pwde pa magaling syang maghost…

  5. TANGA NG CHANNEL 5 LUGI NA SILA WALA NAMANG NANONOOD SA MGA PROGRAMS NILA DITO SA AMIN ANG LABO NG DATING CRISTY WALA KANG TALENT LAOS KA NA

  6. tama lang yang deadmahin ni boy ang mga hirit ni cristy kasi alam ni boy na ginagamit lang sila ni cristy sa mga shows nito sa tv5.

    katulad rin yan nong star awards na nanalo si john lloyd pero wala sya kasi host si ruffa. hindi yata pinayagan si john lloyd nang star magic kasi merong mga tv5 crew sa shows na parazzi, kaya ayon walang nangyari sa mga gimmick ni ruffa! bwahahaha!

  7. @gandang filipina…tumpak ka jan! kawawa ang tv5 at kinuha nila ang walang kwentang cristy fermin na yan.

  8. im sure sinangla na ni cristy fermin ang buhay nya kay willie kaya hahalik sya sa kasingit singitan ni willie. magkano kaya tinapal ni willie sai long este sa mukha ni cristy?

  9. Nakakasakit sa mata iyong mga angles ng camera sa bottomline. It’s supposed to be a serious interview and as such, gusto ko makita ang mukha ng interviewee. Gusto ko makita ang reaksiyon niya sa mga questions at kung paano niya sagutin ang mga tanong kung may sincerity ba o wala. kaso naglalaro iyong mga cameramen eh, ang sakit sakit sa mta. hindi naman nakakadagdag sa substance iyong paglalaro nila sa mga cameras. sana baguhin nila iyon. hindi ko palagi natatapos panonood ng bottomline kasi hindi ko na naiintidihan iyong mga sagot ng guests kasi ang lilikot ng cameras.

  10. HIHIHIHI DI AKO MAKA NOYNOY DI NGA AKO BUMOTO NASA BEACH ATA KAMI NG ELEKSYON…HIHIHIHI…

  11. ABA NAPUYAT ATA SI LOVE IT/LANE NA WALANG BUHAY KUNG HINDI MAG TYPE NG MAG TYPE NG MGA KATARANTADUHAN DITO NA WALA NAMANG NAGBABASA KASI WALANG SENSE.HIHIHIHIHIHI…IYAN SI LOVE IT LAHAT NG BLOG SITE NIYAYARI NIYAN.PAREHONG PAREHO PINAG SUSULAT…HIHIHIHI

  12. PARANG AWA NA NINYO ABS..GUSTONG GUSTO NA NAMIN SI ROBIN.HUWAG NA NINYONG IBALIK SI WILLIE.WALANG HIYA IYAN SI WILLIE.SUKANG SUKA NA KAMI SA KANYA TAMA ANG GINAWA NINYONG PAGPAPATALSIK SA SINUNGALING NA CRISTY FERMIN

  13. Hay!Cristy F. tumigil ka na ng pani2ra kay Kris@kay Boy!hindi ka n nga pinapatulan eh!.ganyan ka nman feeling nanay ka ngayon kay Angas na Willie!kaw talga!pera2 lang yan eh!.halatang-halata pa na nanggagatong ka ky Angas Willie nung in-interview mo sya!naghahanap ka pa ng kadamay sa galit mo kay Kris&sa ABs!.No credibility!.

Leave a Reply

Your email address will not be published.