Boy Abunda, ipinagtanggol si Karen Davila sa interbyu kay Alma Moreno

Boy-AbundaNAKATIKIM NG pamba-bash sa social media ang broadcaster na si Karen Davila pagkatapos lumabas ng interbyu niya kay Alma Moreno sa programang “Headstart” ng ANC noong Nov. 11.

Pero pinanindigan ni Karen na she’s just doing her job to ask hard question on Alma at wala siyang intensyong ipahiya ang aktres na tumatakbong senador.

Ayon naman sa King of Talk na si Boy Abunda, kaagad din niyang pinanood ang programa at sa palagay niya ay hindi dapat sisishin si Karen Davila sa paraan ng pag-iinterview nito kay Alma.

“Nakita ko naman kung paano aalayan ni Karen si Ness,” sey pa niya.

Pareho rin daw niyang naiintindihan sina Karen at Alma.

“It’s not anybody’s fault. Hindi lang sila nagtagpo. Karen was doing her job. Ness assumed probably that it was just an ordinary interview.

“May mga taong nagsasabi na pinaglaruan (si Ness). Hindi, nakita ko umalalay si Karen towards the end,” dagdag pa niya.

Idinagdag pa ni Kuya Boy na mahal niya si Alma at willing din daw siyang i-guest ito sa programa niyang “Tonight With Boy Abunda” at sa “The Bottomline”.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Boy Abunda, ipinagtanggol si Karen Davila sa interbyu kay Alma Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.