Boy Abunda, iniiwan na ng mga alaga?!

KUNG MERON PANG gustong i-wish ngayon ang King of Talk na si Kuya Boy Abunda bukod sa patuloy na paggaling ng kanyang butihing ina, ‘yun eh, ang magkaroon din sila ng pagkakataon ng kanyang significant other na si Bong Quintana na makapag-travel.

Nang makausap namin ito sa launching ng bagong ini-endorso ng kanyang kaibigan at ‘alaga’ rin na Queen of All Media na si Kris Aquino for Olay Total Effects, kung saan siya ang nag-host, unang napag-usapan ang bumuti nang kalagayan ng kanyang ina.

“Oo naman, we sleep in one bed pa rin. But we need to make extra effort to talk. Kasi nga, hindi nag-aabot ang time namin. When I get home, tulog na siya. Gigisingin ko five minutes lang, tulog na uli. Pero ‘pag kailangan kami ni Nanay, nandu’n kami sa tabi nito.

Napapatawa niya kasi si Nanay. Minsan, isinasayaw niya. Kaya ‘pag sinabi ni Nanay, uwi! Uwi!”

Nabawasan man daw ang trabaho ni Kuya Boy, sa pagtatapos ng Showbiz News Ngayon noong Biyernes ng gabi, papasok naman siya sa Bandila sa pagsasanib-puwersa niya with anchors Julius Babao, Ces Oreña Drilon and Karen Davila simula sa October 3. Ano naman ang masasabi ni Kris sa pagkawala ng programang pinagsamahan din nila nang magsimula ito?

“Kahit nabawasan ako ng isang show, marami pa rin akong tinatapos na mga trabaho. Kami ni Kris, every 5 minutes, telepono. Ngayon nga, in five seconds, natapos ko at naaprubahan ang ad board for her next commercial.”

Hindi na rin siya ang magma-manage ng kanyang Backroom, Inc. dahil ipinamana at ipinamahala na niya ito sa Senior staff ng kanyang opisina.

“I will still handle Kris, Ai-Ai (delas Alas) and Gretchen (Barretto).”

Paano na raw si Mariel Rodriguez. Nakarating na ba sa kanya ang balitang diumano’y kinakausap ng TV5 si Robin (Padilla) at malamang nga na pumasok doon si Mariel?

“Hindi pa kami nag-uusap ni Mariel. But I think, sa sinabi niya na she’s ready na to do a show, wala naman siyang sinabi in particular kung saan ito. In fairness naman to Binoe, hindi naman ‘yan papasok sa isang bagay lang na hindi rin naman ipapaalam sa akin. I dunno with Binoe. But we’ll talk about it in the future. Si Mariel din kasi is iba. She consults me pa rin.”

Samantala, isang ‘alaga’ niya ang nawala na sa Backroom, Inc., si Erik Santos na nasa manager na ni Sam Milby na si Erickson Raymundo.

“Okay na kami ngayon. In due time we’ll talk about it. Kung saan kumportable ang isang tao. We wouldn’t know it until it happens. You can only calculate up to a certain point. At ‘yan din ang masasabi ko for the sanib-pwersa. Just follow your heart.”

May isang reminder na naalala si Kuya Boy na ina-apply niya raw sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon: “The moment you begin a career, you also begin to sell yourself.”

 

CERTIFIED VILMANIAN DAW ang Queen of All Media na si Kris Aquino!

Natanong kasi si Kris, na isa na ngang icon pagdating sa mga tinitingala ng mga tao, kung sino naman para sa kanya ang tinitingala niya rin.

Nananatili pa rin sa top list niya si Oprah Winfrey. Pero locally nga raw, it’s her Ate Vi lang talaga. At ‘yun daw kasi ang nakita niya sa natutunan din niya kay Oprah.

“About looking in the 2nd act of your life. Na whatever you started with eh, mahigitan mo pa, and Ate Vi’s been doing that. Now, she’s a public servant na. Kung meron akong gustong masundang yapak, ‘yung sa kanya.”

Kaya kahit na wala pa siyang balak na pasukin ang pulitika, iniisip ni Kris na destiny na ang magdadala sa kanya roon.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Boy Abunda, iniiwan na ng mga alaga?!

  1. wala nga namang maipipintas kay gov. vilma santos ngayon, she’s truly a gem. nung pumasok siya sa politics ay pinagsumikapan niya talaga yung maganda niyang reputasyon..sana nga’y maging katulad niya si kris

Leave a Reply

Your email address will not be published.