Boy Abunda, diretsahang sinagot si Kris Aquino

NAGING TRADITION NA ni Boy Abunda na i-celebrate every year ang kanyang birthday sa The Buzz. Naging special guest ng King of Talkshow last Sunday ang Queen of All Media na si Kris Aquino kasama si Baby James. Hindi pa man nag-iinit sa kanyang kinauupuan ang controversial TV host/actress, nagsimula na itong magtanong sa birthday boy. Of course, nagpaunlak agad si Kuya Boy sa one-on-one interview ni Kristeta.

Sa mga talent mo, sino ang pinaka-close? “Gretchen, Erik, Ai Ai…”

Didiretso na ako, if you could turn back time to the end of May this year. Nag-guest host sa Wowowee si Robin, nagka-inlaban ‘yung dalawa, ikinasal. Would you wish to have time machine na sana at that time nagkasakit na lang si Mariel at hindi sila nagkakilala? “Hindi naman, I have no problem with Mariel getting married with Robin. Wala akong paliwanag of course, naantala nang kaunti dahil sila’y nasa India, gumawa ng pelikula. But please believe me when I say that I’m happy. Yes I am. She deserves a lot!”

Bongga lang ang naging tugon ni Kirs sa sinabi ni Kuya Boy, pero bigla itong nag-dialogue: “Sabihin mo rin ‘yan tungkol sa akin, ha!”

Si Bong (lover ni Kuya Boy for 27 years), anong pinakamahalagang naidulot niya sa buhay mo at naidulot mo sa buhay niya? “We were able to love each other and stand each other’s frailties, hindi ba? ‘Yung maganda at hindi maganda, 27 years magkaibigan. May mga araw na gusto naming magsabunutan kahit wala kaming buhok pero ‘yung pagmamahalan kaakibat ng pagpapatawad. The best thing that I had with Bong is loving and forgiving. Always everyday is a life, willing to love and to forgive.”

Nag-cruise tayong tatlo, Ikaw si Bong at ako, isa lamang ang puwede mong ilagay sa lifeboat, sino? Si Bong o ako? “Ikaw!”

“Thank you,”sambit ni Kris.

“Alam mo kung bakit ? Hindi ka marunong lumangoy,” dugtong ni Kuya Boy. “Korek !” mabilis na sabi ni Kris.

“I’m sure ang problema ni Bong, how to save the both of us. So, I will pay attention to you and I will save you.” sabi ni Kuya Boy.

Mayroon ka pa bang pagkukulang sa nanay mo o wala na? “Mayroong panahong I wish I have time with Nanay. I wish I can spent more time with Nanay. Sabi ko nga du’n sa ‘Bottom Line’, minsan hindi mo ako naririnig dahil hindi naman ako nasanay na sabihan ka nito, mahal na mahal na mahal kita! At sana’y kung may wish ako, ‘yung kalusugan mo and you make me happy and I wish I have more time with you. Hindi ko pinangangako sa sarili ko pero sana’y sa mga darating na buwan magkaroon tayo ng maraming oras na makapagkuwentuhan, magtawanan, ‘yun,” pahayag ni Kuya Boy.

Natanong ka ng mga sisters ko, bakit hindi ka sumuko sa akin? Didiretsuhin ko, hindi ka ba napapagod sa drama ng buhay ko? “May pagkakataong pagod na pagod ako, totoo ‘yun! Pero sa mga panahon na napapagod ako sa ‘yo, you give me space, I back off, hindi tayo nagsasalubong. Kung nano-notice mo ‘yan at sinabi ko ito sa sisters mo. For example, there was a time the internet is very cruel to you. May mga taong nagsasabi sa akin, hindi ko gusto… I was angry, masama ang loob ko dahil alam ko naman ‘yung totoo. There are moments when pinababayaan mo ako, pinagsasalita mo ako, hinahayaan mo lang ako, I know naman pinagpapasensiyahan mo rin ako. You know Krissy, it’s a difficult dance and we have learn how to dance,” seryosong sagot ni Kuya Boy.

Last question ko na lang sa ‘yo, mayroon pa bang kulang? “I don’t have everything but I have enough!” matalinghagang sagot ni Kuya Boy.
“Ang lalim mo naman,” sambit ni Kristeta. “Alam mo naman ako pang-Q & A sa beauty contest,” tugon pa ni Kuya Boy. Again, Happy, happy birthday, Kuya Boy!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleKris Aquino, pinatitigil magpa-interview ng kampo ni James Yap!
Next articlePagkatapos kay Heart, Annabelle kay Miriam: “Wag kang suwapang sa pera!”

No posts to display