Boy Abunda, bibitiwan na ang SNN?!

SA BINITIWANG SALITA ni Tito Boy Abunda na may bibitiwan siyang isa sa mga shows niya ngayon sa ABS-CBN para higit na maasikaso ang inang may sakit na Dementia sa ngayon, maugong ang usap-usapang ang programang SNN daw ang mawawala sa ere ilang araw mula ngayon. 

Agad naman naming hiningan ng reaksyon tungkol dito si Bianca Gonzales nang makausap namin siya sa SNN kagabi, kung saan ayon sa TV host, ‘di pa siya kinakausap tungkol sa nasabing balita, kaya ‘di pa siya makapagbibigay ng konkretong sagot.

Aminadong malulungkot siya kung totoo ngang mawawala ang SNN, dahil naging bahagi na ito ng sistema niya sa loob ng kulang-kulang isang taon mula nang pumalit siya kay Kris Aquino. Nu’ng una, nahirapan siya sa schedule dahil sanay na gising sa umaga at hindi inaabot ng masyadong gabi gaya ng timeslot ng SNN. Pero ngayon ay nakasanayan na ni Bianca ang ganitong oras ng trabaho. Bahagi na rin ng buhay niya ang mga bati at punang natatanggap niya mula sa ibang tao mula sa kumpirmasyon ng mga nilabas nilang balita hanggang sa suot niyang damit nang gabing iyon.

Para kay Bianca, napakalaking bahagi ng buhay niya ang mawawala kung saka-sakaling matuloy nga na mamaalam ito sa ere. Pero naniniwala siyang pinag-iisipan nang husto ng management ng ABS, ng mga staff ng show ang ganito kalaking desisyon.

Ang balita ring nakarating sa amin ay may mga shows naman na lilipatan ang mga staff kung saka-sakaling matuloy na mawala ang SNN sa ere, bagay na siniguro rin naman sa amin ni Tito Boy nang minsang makausap namin siya at kumpirmahin sa aming may bibitiwan nga siyang show sa tatlong shows niya sa Kapamilya Network.

 

SA PRESSCON NG Thelma kagabi para sa mga bloggers, tinanong namin si Direk Paul Soriano kung totoo bang na-disappoint siya na mas naging pokus ng publicity slants ang pagkaka-link nila ni Maja Salvador kaysa sa istorya o sa effort na ibinigay ng aktres para sa nasabing pelikula.

Inamin naman sa amin ni Direk Paul na totoong na-disappoint siya at para sa kanya, napaka-amaturish na ito ang naging sentro ng tinakbo ng mga publicities, samantalang mas dapat na magpokus sa mas importanteng sangkap na bumuo ng Thelma. Ngayon ay relieved na si Direk Paul dahil namatay na rin ang nasabing issues nang magsalita at klaruhin nila pareho ni Maja na walang katotohanan ang mga lumabas na balita.

Kitang-kita naman ang sweetness at lalim ng relasyon nila ni Toni Gonzaga nang mag-guest sa The Buzz nu’ng nakaraang Linggo ang baguhang direktor. Masaya siya si Direk Paul na marami ang natuwa sa guesting niyang ito sa nasabing programa.

Kung dati, medyo aloof sa press si Direk Paul, ngayon ay nakita namin na medyo sanay na siyang makiharap at makisama sa press people. Bagay na tiyak na kusa na niyang natutuhan ngayong sumabak na rin siya sa showbizness bilang isang direktor.

 

By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Boy Abunda, bibitiwan na ang SNN?!

  1. melbar llanera, pwede mo namang sabihing mag-focus imbes na magpokus, ‘no? mas madaling basahin at intindihin, remember global na tayo ngayon, wag mahiyang gamitin at i-pronounce ang f-f-f-f-f, hane?

Leave a Reply

Your email address will not be published.