Boy Abunda: Ang Joe Quirino ng mga millenials; tikom pa rin sa pagbabalik-Kapamilya ni Kris Aquino

Boy Abunda with his Joe Quirino Award

ISA si Kuya Boy Abunda sa mga showbiz personalities natin na napakadali hingan ng interview.

 
Kahit anong isyu ay may nakalaan siyang kasagutan just like what happened last Sunday sa SPEED’s EDDYS Award sa Kia Theater kung saan binigyan siya ng special award ng samahan sa kanilang Joe Quirino Award.
 
Sa mga millennials na hindi kilala si Joe Quirino, siya ang kauna-unahang entertainment columnist sa broadsheet na nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng television show.
 
Showbiz na showbiz ang konsepto ng palabas. Parang “The Buzz” noon na show ni Kuya Boy at Kris Aquino na lahat ng mga showbiz celebrities ay gusto mag-guest at ma-feature.
 
Kung tama ang memory ko, late Sunday night pa yata ang oras ng show sa IBC 13 noon ang palabas ni Mang Joe.
 
“Kilala ko siya. I had the chance to know Mang Joe Quirino. Napaka-simple niyang tao,” kuwento ni Kuya Boy sa media on his way out after receiving his special award that evening.
 
Syempre, hindi maiiwasan na may karugtong na intriga lalo pa’t maugong ang usapan na si Kris na close sa kanya ay magbabalik Kapamilya Network.
 
Sabi ni Kuya Boy: “I don’t know. Kris is doing so well with her digital platform, on the way here (KIA Theater), pinapanood ko ang The Kris List (digital show ni Kris na napapanood sa YouTube), napakaganda. I don’t know, I really don’t know.
 
“Everything is possible. Sa akin, for somebody as big and as talented as Kris, anything is possible,” dagdag  niyang opinion sa pinag-uusapan.
 
Hindi kinumpirma ni Kuya Boy ang pagbabalik ABS-CBN ni Tetay.
 
“Kung ako ang masusunod, I’d like her to follow her heart. Only Kris knows what’s best for her. I will support what she does,” sabi ni Kuya Boy.
 
“And that girl knows what she deserves and how to get there. Huwag tayong magkunwari na nagdudunung-dunungan at mas marami pa tayong alam kesa sa kanya. That girl is brilliant,” pagmamalaki ni Kuya Boy tungkol kay Tetay.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.