Boy Abunda and Kris Aquino are still tight

KAMAKAILAN LAMANG TUMANGGAP na naman ng award si Boy Abunda (third win) for Best Talk Show Host mula sa Gandingan Awards. Nanalo rin ang Boy and Kris for Best Celebrity Talk Show sa nasabing award-giving body. Bukod dito, nakuha rin ng Boy and Kris ang Silver Medal mula sa International Television Broadcasting Awards of the 2009 New York Festivals.

Mawawala na nga sa ere ang Boy and Kris, papalitan ito ng SNN: Showbiz News Ngayon na sina Boy at Kris pa rin ang hosts. October last year pa lang, binubuo na nilang dalawa ang concept ng nasabing show.

Kuwneto ni Kris sa harap ni Boy, “After your birthday, (Boy) a week ago after. Tapos, nilatag naming lahat ang concept naming dalawa with all the staff, lahat ‘yung buong unit ni Louie, we seat there. Ipi-present nila sa management by mid-December. Na-approved.”

“Kami ‘yung nagsabi na with this primetime show, we are moving Boy and Kris. You move on. Kris done it alone. We’ve been together. It’s a show that we know, you go somewhere. We’re bringing our partnership somewhere,” sabi naman ni Boy.

Never ba ninyong naisip na maghiwalay? “Sa show naman kasi, kailangan kami together,” sagot ni Kuya Boy.

Kaninong concept ang SNN? “Infairness to her, she initiate that,” sabi ni Boy patungkol kay Kris.

“It’s me talaga, I’m not claiming. Me talaga! At least, he admit . I love Entertainment Tonight, we were still living in the States na mayroon akong Entertainment Tonight. Tapos, I love the Insider, I love PMC.com, lahat ng magazines as weekly – Life and tyle, People, Entertainment Weekly, lahat ‘yun nagpa-subscribe ako. Even sa local, Yes, StarStudio, lahat! So, ‘yun.

“So, ako ‘yung nagsabi sa kanila, why can we bring this ? Kasi, sa The Buzz it’s interview, ‘eto parang what happen you can’t put in The Buzz, like that. Hindi mo naman puwedeng i-feature ‘yung yatch ni Willie Revillame sa The Buzz. Pero in a show like that, you can . ‘Yung mga ganu’n.” Sey ni Kris.

Live daw ang ang bagong show na ito. Sabi ni Kris,“I love live! Mas masaya talaga ang live, gabi ‘yun. And then, parang change of lifestyle. Kasi, it’s a 10 o’clock live parang buhay na uli sa gabi!”

Ayon naman kay Boy, “It’s really her concept. It’s about time you take control of your career. Kadalasan kasi, kayo ang sinasabihan. Ito lang ang susunod ninyong palabas. ‘Eto naman, were blessed because Kris and I we’re in the position to actually manage our career. After doing the morning show, we need to do something new.”

“Yeah! Thank you! You see, he admit! Nagkamali ako sa tagline ko, it was late November when we met at the house. Early December, mid-December, na-approve and then, I renew my ABS contract, December22.” Paglilinaw naman ni Kris.

Tatlong show nga ba ang pinirmahan ni Kris sa ABS? “Hindi. Limang show, hahaha! It’s like this, noong inilatag sa akin, hindi ako pinapili. It’s a game show, showbiz-orientad show, Kris lifestyle show, Kris teleserye, horror teleserye. So, nakalatag ‘yun na naka-phasing.

“The last contract that I signed was 3 years (ago). Ang bilis talaga. Ang sabi ko, ‘Oh my God! By January 2009, ano na ang mangyayari ?’ Siyempre, may back and fort, may ilalatag sa ‘yo, may sasabihin ka, may ganu’n. Siguro, kung hindi ko na-discover ang Yoga, hindi ko maaano ‘yan. Siguro, hindi maiintindihan ni James (Yap), I cried myself to sleep, sasabihin niya, ano’ng problema mo ?

“Kasi, natatakot ako. Natatakot talaga ako what tomorrow’s bring. Tapos sinasabi niya, sigurado namang gusto ka nila. Maganda naman ‘yung ibinibigay mo sa kanila. Sabi ko, natatakot ako. Sabi niya, normal lang na matakot. Kasi, binilang ko na, naka-12 years in ABS-CBN, ‘di ba? Isang dosena na ‘yun! Tapos nga ang pinakamaganda was that, binigyan ako ng assurance na hindi lang 12 years lang, hindi 15 years lang.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Boy Abunda and Kris Aquino are still tight

  1. Hindi original ang concept ni Kris! Ginaya nya lang yang primetime showbiz news sa US. To be precise, yung THE INSIDER NI LARA SPENCER. Watch it in cable, COMPARE THE STAGE THEY USED ON SNN AND THE INSIDER.

Leave a Reply

Your email address will not be published.