Boy Abunda, ‘di sisipot sa inagurasyon ni P-Noy!

SA MGA KUWENTO ko lang naririnig ang pangalang “Mana Fe,” she’s the elder sister of Boy Abunda. “Mana,” I suppose, is the Tagalog counterpart of ate, the Ilocano equivalent of manang.

Pero ang ate, o manang, o “mana” as Kuya Boy calls her is now the Inang Bayan of Borongan, Samar. In short, ang alkalde ng naturang bayan, and the first woman mayor at that! Pero alam n’yo ba na ang butihing ina ni Kuya Boy, si Nanay Lising, a retired public school teacher, was the first woman vice mayor? Prior to these “historical firsts,” ang namayapang ama ni Kuya Boy ay nagsilbing kapitan ng baranggay.

Kataka-taka pa ba kung mana-mana lang ang political genes, yet Kuya Boy seems to be a reluctant inheritor? Let’s give it to Kuya Boy, maybe in two years time, ang kanyang magiging transition is out of the closet, into the cabinet! That’s a much larger space to move around.

Ang kaso, mukhang no-show ang mahal kong si Kuya Boy on the day of reckoning, ‘ika nga, para sa June 30 proclamation ni PBA (President Benigno Aquino) as it coincides with Mana Fe’s shining moment in their native Borongan.

Hindi kasi maatim ni Kuya Boy na mag-isa lang nakasuporta ang kanilang Nanay Lising, when tradition in the province has it that all kith and kin of every elected official should come in full force.

For sure, Noynoy—being the adoptive brother to Kuya Boy—understands that blood – as the cliché goes – is thicker than water.

KUNG HINDI KAMI nagkakamali, had Claudine Barretto not bolted the gates of ABS-CBN ay ang proyektong Magkaribal ang dapat sana’y pagsasamahan nila ng kanyang Ate Gretchen. Kunsabagay, it would look more real, dahil magkapatid ang papel na kanilang gagampanan, kung saan ang supposed role nga ni Claudine landed on Bea Alonzo’s lap.

Sa ginanap ngang grand presscon for the first ever fashionserye on TV, Gretchen – known for her hitting remarks (that she would regret having made?) – was unusually non-combative. She was at her tamest.

Marahil, in-assert lang ni Gretchen ang kanyang pagiging panganay, never to speak ill of her younger sister even at the slightest provocation. Du’n ko lang din na-realize kung paanong ang isang taklesang aktrs (next to Kris Aquino?) was given a large dose of “maturity medicine.”

Tingnan na rin natin kung paanong mag-mature si Gretchen sa larangan ng acting as Magkaribal premieres tonight.

DESPITE HIS EXIT from Tweetbiz (until his last episode noong Biyernes), hindi pa rin nagbago ang level of energy ni Sam Y.G. a.k.a. Shivaker as one of its three major hosts. Although he was trying to hold back his emotions, hinihikayat pa rin ni Sam na patuloy na panoorin ang naturang programa sa QTV which he confessed to have chosen over five other shows na in-offer sa kanya.

Pero tulad ng aming sinabi kay Sam, hindi ‘yon pamamaalam, kundi “see you” some other time. Given the many talents he has, ang mahusay, matalino at magaling makisamang si Sam will have a rightful place under the sun… if not across the universe.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.