Bouncer, Patay sa Boga ng Barangay Chairman

PATAY ANG 53-anyos na bouncer matapos barilin sa ulo ng umano’y kapitan ng isang barangay sa Caloocan City bago mag-alas-4:00 ng madaling araw kahapon.

Dead on the spot ang nasabing biktima na kinilalang si Wilfredo Diwa sa tapat ng bahay nito sa Nadurata street, 10th Avenue sakop ng Barangay 66.

Ito ay matapos paputukan ng umano’y lasing na kapitan ng ibang barangay na kinilalang si Otelo Ocampo alyas Boy ng Barangay 136, Bagong Barrio, Caloocan.

Base sa kuha ng closed circuit television (CCTV) at salaysay ng mga nakasaksi, may tangan pang bata ang salarin sa kaliwang kamay habang hawak ang baril sa kanan nang paputukan ang biktima sa ulo.

Sinita umano ng biktima ang kapitan sa panay-panay na pagbusina at pagmaniobra sa sasakyan sa alanganing oras na nakabulahaw sa mga natutulog na residente.

Sandaling umalis ang kapitan ngunit nang magbalik, may dala na itong baril.

Samantala, tinutugis pa rin ang salarin na tumakas sakay ng isang Toyota Revo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.