Boso pics ni Zara Lopez, inalmahan ng bf!

BLIND ITEM: AHA! Nahuli namin sa bibig mismo ng kausap namin two nights ago kung sino talaga ang karelasyon ng isang Starstruck finalist na nali-link ngayon sa isang sikat na personalidad sa sports, showbiz at sa politics. May tsika pa nga na binigyan ng sikat na personalidad ng multi-million worth na condo unit ang Starstruck finalist na ito sa may bandang Eastwood City.

Tumawag kasi sa amin ang isang “friendship” from the camp of the sikat na personalidad at sa hindi inaasahan e, nabanggit niya ang pangalan ng female Starstruck finalist.

Dahil du’n, kinumpirma tuloy namin sa aming kausap kung talagang mag-on sila ng personalidad na aming tinutukoy. Pero bigla siyang tumanggi at hindi naman daw totoo ‘yon. Parang decoy lang daw ang kuwentong ‘yon dahil ang totoong boyfriend at “supporter” ng female Starstruck e, ang BFF ni sikat na personalidad na lagi niyang kasama sa lahat ng kanyang lakad.

Hmmm… all of a sudden e, biglang nakahalata ang aming kausap na nagpi-fish kami ng info kaya biglang nag-change ang topic ng aming usapan.

Ang tanong, bakit kailangan pa kayang ilihis ang isyu e, pareho namang single ang BFF ni sikat na personality at ang female Starstruck? May iba ba silang nasasagasaan na hindi alam ng madlang pipol?

Ngayon, nalaman namin na hindi lang pala ang sikat na personalidad ang matulis sa magagandang tsiks, kundi pati ang kanyang BFF na nagsisilbi ring business manager niya sa kanyang showbiz career.

At ang female Starstruck finalist? Basta, ang suwerte niya dahil mala-prinsesa ang kanyang buhay ngayon… getz?

NGAYON LANG NAMIN nalaman na nagkaroon pala ng matinding tampuhan ang Viva Hot Babe na si Zara Lopez at ang kanyang boyfriend from a political clan nang nailabas ng aming magbloid ang kanyang candid shots kung saan nakita ang kanyang black underwear habang may kinakalikot siya sa kanyang shoes.

Ang sabi sa amin, pinagsabihan na raw siya noon ng kanyang boyfriend na maging maingat at ‘wag nang magpa-sexy sa TV and movies dahil medyo conservative daw ang kanilang family kaya nagulat ang parents ng kanyang lover nang nakita ang mga litratong ‘yon.

Teka. Hindi ba’t nag-pose na nu’n nang mas wild at mas sexy si Zara sa mga men’s magazine? E, bakit nagre-react ngayon ang kanyang boyfriend sa simpleng boso kung saan nakita ang kanyang underwear na itim?

Hmmm…. Siguro, hindi nakita ng parents ng lover ni Zara ngayon ang kanyang wilder pictures sa mga nakaraang men’s magazine kaya ganu’n. Ang bikining itim nga naman, bow!

Sabi ni Mother Joy Cancio, natapos na ang second wave last week ng Danz Showdown at may sigurado na raw na sampung contenders na papasok sa third wave.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may nag-tie na parehong pretty and sexy. Sina Yui Gutierrez at Emelisa Diesta.

Ang mga pumasok naman last week ay sina Arra Gunio, Tuesday winner na si Lawrice Maite, Wednesday winner na si Analyn Turno at Friday winner na si Rothea Lyn Babino.

Dalawang linggo na lang ang natitira para maglaban-laban ang ilang natitirang contenders at panibagong pagsubok ang papasukin nila sa Danz Showdown’s third wave. This time, siguradong mas mahigpit ang labanan dahil sampu lang ang pipiliin para makapasok naman sa fourth wave.

Mararaming magagandang gift packs ang matatanggap ng mga papasok sa bawat wave at magkakamit ng P5,000 ang bawat isa.

Hindi rin naman uuwi ng mga luhaan ang hindi makapapasok dahil may mga gift packs din sila at token from Focus E, Inc. Ganu’n?

O, siya! Abangan na lang natin ang pinaka-final para makilala na natin ang new generation ng Sex Bomb, soon!

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

10 thoughts on “Boso pics ni Zara Lopez, inalmahan ng bf!

  1. tama na yan peste barang na lng pra msas mabagsik ganun ba michelee si sabit singson ok dadasalan ko na pati ung eric pineda makikita nyo na resulta sa pahayagan at tv by mambabarang

  2. hoy boy bawang imbes yan ang sabihin mo ang dapat nting gawing murahin ang mga nalilink sa kanya na galing sa nakaw at hindi ganun c princess bata pa sya kya mga putang pulitiko na magnanakaw kukulamin ko ang nanliligaw kay princess snell

  3. Naisulat na noon..pinangalanan pa na P300T isang higa iyang si Princess Snell. Mga pulitico ang mga customer niya.Walang tawad daw.Fix ang presyo.

    • Sa totoo lang, siya ang bagong girl ni Pacman. Kaya itinapon na sa basurahan si Krista Ranillo kasi talaga namang mukhang atsay lang si Princess si Krista pag nagkatabi sila.

      Si Princess Snell ang bagong girslfriend ni Manny.
      Mahilig talaga si Manny sa bilasa o gamit na gamit na kung gannon, ano?

  4. mga pulitikong kurap wag nyo nang pangarapin c princess snell kng ibibigay nyo ung nakaW GALING SA KBAN NG BAyan at bata pa c princess snell sana sa career sya magpukus pra yumaman palalu sya at darating din ang taong magmamahal sa kanya ng tapat at lubos kya ung nangagarap kay princess snell leave her mga madyunda na kyo at may asawa pati bata chinichicks nyo wala ba kyong anak na babae mga matanda na kyo mahalin nyo na lng asawa nyo matitigok na kyo kya leave princess snell maraming magagandang mangyayari sa kanyang buhay…………. and2 lng ako nagbabantay……. ko sya dahil multo ako

Leave a Reply

Your email address will not be published.