Bosero, binidyuhan ang dalagang kapitbahay habang naliligo

SHOOT SA KULUNGAN ang isang kelot matapos itong ireklamo ng pamboboso ng kanyang kapitbahay nang kuhanan nito ng video habang naliligo sa banyo ang huli kahapon ng umaga sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police ang naarestong suspek na nakilalang si Jeffrey San Pedro, 18, ng 9-C H. Ignacio St., Bagong Bayan North, Navotas City.

Personal namang dumulog sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), ang biktimang si She (di-tunay na pangalan), 29, upang magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa ulat ng WCPD-Navotas Police, dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng banyo ng biktima habang siya ay hubo’t hubad na naliligo.

Ayon pa kay She, narinig nito ang kalabog sa labas ng banyo at kanyang silipin ay nakita nito ang suspek na naninilip at kinukuhan pa siya ng video sa kanyang cellphone.

Paglabas ng banyo ng biktima ay agad itong nagbihis at tumungo sa nasabing himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek kung saan nakuha mula rito ang cellphone na siyang ginamit sa pagkuha ng video.               (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.