Boom Boom Bautista, bigo rin

BIGO ANG Pinoy boxer na si Rey “Boom Boom” Bautista na maipagtanggol ang WBO international featherweight title laban kay Mexican challenger Jose “Negro” Ramirez.

Ito’y matapos tuluyang ianunsyo ang pagkaka-panalo ni Ramirez via split decision.

Ginanap ang naturang  sagupaan sa Davao City, kung saan ilang kababayan ni Bautista  mula sa Bohol ang dumayo pa roon para personal na mapanood ang laban.

Una rito, maaga pa lang ay nagpakita na ng bagsik ang Mehikano, kung saan tinamaan ng kaliwang suntok ang mukha ng Pinoy fighter na sanhi ng pagbagsak nito sa canvass.

Sa kalagitnaan ng rounds ay paherong bu-magsak ang magkatunggali, ngunit pagkadulas lamang ang nakitang dahilan dito ng referee.

Sa ikasiyam na bahagi ay nasiko ni Ramirez si Boom Boom kaya binigyan ng penalty ang dayuhan.

Gayunman, hindi na nakabawi pa sa mga huling yugto ang Pinoy boxer at tuluyang nakuha ng Mehikano  ang  kampeonato sa nabanggit na boxing match.

(PARAZZI REPORTORIALTEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.