Bookies at Lotteng, nagkalat na naman sa Valenzuela

NAGKALAT NA naman ang mga iligal na bookies (karera ng kabayo) at lotteng na diumano ay may bendisyon ni Northern Police Distric (NPD) director Chief Supt. Antonio Decano at Valenzuela Chief of Police Wilber Mayor.

Ayon sa mapagkakatiwalaang impormante, hayagan umano ang operasyon ng bookies nina Danny “Kamote” Estanislao at isang alyas Kalabaw sa buong barangay ng Valenzuela City.

Sinabi pa ng impormante, diumano ay may “go” signal sina Decano at Mayor para makapag-operate ang dalawang nasabing gambling lord kapalit ng lingguhang tarya bukod pa ang “goodwill” money.

Bukod pa sa bookies ni Kalabaw ay nag-o-operate din ito ng lotteng, kung saan ay hayagan ang pagpapataya ng kanyang mga kubrador sa mga mamamayan kahit na umano may pulis.

Naghihinagpis namang tinuran ng mga dismayadong residente, wala umanong pagbabago ang sistema ng liderato ng NPD at sa Valenzuela Police, dahil magmula noon hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin umano ang ilang kapulisan sa baluktot na daan.

Hindi raw sinusunod ng dalawang nabanggit na opisyal ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na tahaking ang tamang landas para sa ikauunlad ng bawat isa .

Dahil dito, hinihiling ng mga residente kay P-Noy na sibakin na sa lalong mada-ling panahon si Decano at Mayor dahil ang mga ito ang dahilan ng paglago ng mga iligal na sugalan sa kanilang lugar.         (ROMAN MAPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.