Blind Item: Boobs ng sexy actress, naimpeksiyon! By Ogie Diaz

KAWAWA NAMAN ANG isang dating sexy star na sumikat din naman nu’ng araw. Alam n’yo bang pati pala ito ay biktima ng doktor na nagtuturok ng silicone oil sa puwet?

Fifteen years ago na ‘yung kanya, at ngayon ay kumalat na sa kanyang katawan ang impeksiyon. Nate-tense ang sexy star dahil juice ko naman, kung bakit natayming pang ikakasal na siya sa kanyang non-showbiz dyowa.

Hindi niya pinangarap na ma-sight nito ang kanyang mga namamagang braso, at daliri dahil sa pagkalat ng impeksiyon.

Kung ano ‘yung nangyari kay Selina kasi, ‘yun din ang nangyayari ngayon sa kanya. Hindi lang ang puwet niya ang kinakain ng impeksiyon, maging ang kanyang boobs.

“Juice ko, paano pa maisusuot ang wedding ring niya kung tumaba na ang daliri niya, ‘di ba?” Sey ng isang friend ng sexy star.

Kawawa naman ang sexy star. Pinagkakitaan niya ang “kapekean” ng kanyang kagandahan noon, pero ngayon, tila  sinisingil na siya ng kapalaran. Sana nga ay matanggal agad ang impeksiyon sa katawan niya. Pero ang balita namin, hindi alam ngayon ni sexy star kung ano ang dapat niyang gawin.

“Nahihiya siyang lumantad in public. Dahil, siyempre, baka bigla siyang hiwalayan ng dyowa niya’t hindi na siya pakasalan, ‘di ba?”

Juice ko, nakakaloka nga ito. Sayang, may “K” pa naman ang sexy star. Dati, ha?

by Ogie Diaz

loading...

17 thoughts on “Blind Item: Boobs ng sexy actress, naimpeksiyon! By Ogie Diaz

  1. Obviously si Katya Santos!

    Pero parang mas may impeksiyon pa yata ang boobs ni Dingdong eh…

    • ang mean! haha yung kay dingdong, not just theboobs but his torso, feminine yung shape. more like hormonal imbalance lang.

    • Natawa naman ako dito ng husto. He he he. Kayo talaga,matindi siguro ang galit ninyo ke Marian. ..nagagawa ninyong isali sa lahat eh..amusing.

  2. i watched klaudia’s interview in snn and startalk, she denied it naman, she doesnt look like she acquired any infection although i noticed ahe gained a little weight

  3. si klaudia koronel ba?

    si angel locsin buti na lang at boobs at ilong lang nya ang pinaretoke niya dahil yung puwet nya flat naman e walang laman

Leave a Reply

Your email address will not be published.