Boobs ng Misis, Dinakma ng Kapit-bahay

KASONG ACTS of lasciviousness ang kinahaharap ng isang lalaki matapos hipuin ang boobs ng isang misis na kapit-bahay nito sa Barangay Puliwes, Baguio City.

Sa blotter ng Baguio City Police Office, kinilala ang inireklamo na si Joseph Logay, na inireklamo ng misis na kapit-bahay.

Ayon sa biktima, nakatayo lamang ito sa bakuran ng kanilang bahay nang nilapitan at tinitigan ito nang matagal ng suspek.

Matapos ang ilang sandali, ngumiti ang suspek, nilapitan ang misis at bigla na lang nitong hinawakan at kanyang boobs kasabay ng pagtawa nito.

Ayon pa sa misis, sinubukan pa ng suspek na haplusin ang kanyang ari pero nagsisigaw at humingi na ito ng tulong sa pulisya na nagresulta naman sa pagkahuli ng suspek.

 (S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.