Bonus sa Public School Teachers, Matatanggap na

MATATANGGAP NA ng mahigit sa 400,000 public school teachers ang kanilang performance-based bonus (PBB).

Ito ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) matapos maisumite noong Hulyo 12 ang unang batch ng validated report para sa release ng bonus.

Sakop ng unang batch ang 75.92% o 29,284 public schools na may 409,725 teachers, non-teaching at teaching-related personnel.

Ipoproseso ng inter-agency task force ang mga dokumentosa loob ng isang linggo bago isumite sa regional o division offices ng DepEd.

Inaasahan rin na makukumpleto ang ikalawang batch sa mga darating na araw.

P5,000 ang matatanggap ng mga gurong may satisfactory rating, habang P35,000 ang sa mga makakaabot ng exceptional rating.

Samantala, sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) President Benjo Besas na posibleng mailabas ang pondo sa PBB sa susunod na limang araw matapos maisumite ng DepEd ang requirements sa Department of Budget and Management (DBM).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.