Bonggang-bongga na si Kim Chiu!

INAAMIN KO NOONG una, hindi ko masyadong nagustuhan si Kim Chiu lalo na noong siya’y nasa loob pa ng Bahay ni Kuya. Feeling ko kasi isa lang siyang normal na teenager na chinita, maganda, maputi at hanggang doon na lang. Malay ko bang sisikat siya. Tinatanong ko pa nga ang sarili ko kung bakit sobrang daming fans ni Kim?

Hindi man isang talent search ang pinanggalingang programa ni Kim, eh, unti-unti niyang pinatutunayan na hindi lang siya maganda kundi talented din—sa pagkanta, pagsayaw, at siyempre sa pag-arte. Grabe nga ang mga blessings na tinatanggap ni Kim! Tingnan mo, hindi siya nawawalan ng mga projects—mapa-TV shows man ‘yan, commercials o endorsements, pictorials sa mga magazines, at mall shows. Bihira na ang mga artistang may stable na career kaya Kim, ang bongga mo!

Naku, sobrang payat na nga ni Kim Chiu! Siguro oras na para alagaan niya ang sarili niya at magpahinga. Mahirap na, kaya Kim hinay-hinay lang!

Dahil sa Tayong Dalawa, talaga namang naipakita ni Kim ang kanyang kagalingan sa pag-arte. Multi-awarded ang mga artistang kasama niya sa show, so siyempre, hindi siya patatalo sa pag-arte.

Aba, hindi lang puro pa-cute si Kim, ha?! Sino ba ang mabubuhay ngayon sa showbiz na puro pa-cute lang? Kahit papaano, kailangan mo rin ng konting talent kahit pilit lang. Ngayon nga eh, lume-level na ang Kim sa mga primetime queen ng ABS-CBN. Panalo naman kasi talaga ang Tayong Dalawa pagdating sa istorya, ratings at magaling na cast. Pero siyempre, pa-humble lang ang Kim sa dami ng papuring natatanggap niya. Okay lang, mahirap din naman kasing “malunod sa kalahating basong tubig” ang sabi nga ni Cristy Fermin. May ganu’n talaga? Baka naman kasi kainisan siya ng fans kung magmamaganda siya. Infairness naman kay Kim, hindi niya nakalilimutang magpasalamat sa mga fans na bumubuhay sa kanyang panalong showbiz career!

Huwag din naman natin isantabi si Gerald Anderson, ang one and only partner ni Kim Chiu. Bagay naman kasi talaga sila at patok ang tambalan nila sa fans. Pagdating sa acting at pagsayaw eh, may ibubuga rin naman si Gerald. Obvious naman na sina Kim at Gerald na ang pinakasikat na naging teen housemates ni Kuya. Iba rin naman kasi ang suporta na ibinibigay ng mga fans sa tambalang Kimerald. Mega-tanggol nga talaga sila sa kanilang iniidolo. ‘Di ba nga, hindi natuloy ang binabalak na Sarah-Gerald movie? Takot lang ng mga producers sa Kimerald fans, ‘noh! Sabagay, hindi ko rin naman maisip kung sino pa ang puwedeng i-partner kay Kim maliban kay Gerald. Pero, naisip ko rin na hindi naman puwedeng panghabang buhay, eh, Kimerald lagi.

Oh well, hindi natin maaalis ang katotohanang talaga namang nag-mature na si Kim at Gerald bilang mga artista. Hindi na sila ‘yung mga teenager na pinapanood natin sa loob ng bahay ni Kuya na parang wala pang alam sa mundo. Kaya naman Kim at Gerald, go go go lang!

By Jeric Peña (http://www.brinknotes.net)

loading...

2 thoughts on “Bonggang-bongga na si Kim Chiu!

Leave a Reply

Your email address will not be published.