Bong Revilla thinks Rhian Ramos is fresh and appealing

AS USUAL, SOSYAL ang birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada last Friday, February 20, 2009 na ginanap sa Blue Leaf, Mckinley Hill sa The Fort. Kahit kalalabas lang sa San Juan Medical Center ang butihing senador, maayos naman niyang inasikaso ang kanyang mga bisita sa tulong ng kanyang mapagmahal na kabiyak, si Precy Ejercito. Dagsa ang mga kaibigan sa pulitika at showbiz na palaging nakasuporta sa aktor lalo na sina Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador.

Present din ng gabing ‘yun sina Lorna Tolentino, Isabel Rivas, Gabby Concepcion, Eddie Garcia, Ricky Davao, Bayani Agbayani, Jason Abalos, Jestoni Alarcon, Boyet de Leon, Sandy Andolong, Tirso Cruz , Johnny Delgado, Laurice Guillen, Amy Austria, Sandy Javier, Karen Montelibano, Armida Siguion Reyna, Paul Cabral, magkapatid na Rowena at Andrea Bautista. Si Patrick de la Rosa, tatakbo palang congressman sa kanilang lalawigan sa darating na eleksiyon.

Masaya namang ibinalita ni Phillip na kasama siya sa cast ng Panday at puspusan ang ginagawa niyang pagbabawas ng timbang. Kapansin-pansin din ang pangangatawan ni Sen. Bong, nawala ang taba-taba sa kanyang katawan. Pinahawak pa nga niya ang tiyan at braso para maniwala kami sa kanyang sinasabi – totoo nga!

“Almost 10 pounds ang nawala sa akin. Kailangang tuluy-tuloy para ma-maintain ko itong pangangatawan ko. Diet at workout lang ang ginagawa ko at very effective naman, kita ang ibidensiya,” pagmamalaking wika Bong.

Inusisa namin si Bong kung sino kina Marian Rivera, Iza Calzado at Rhian Ramos ang kanyang magiging leading lady. At first, atubili pa siyang i-reveal kung sino pero inamin na rin ng actor/politician.

“Si Rhian Ramos – bago, sariwa at malakas ang dating! Siya ang gusto nilang makapareha ko na okey lang sa akin. Kaya nga kailangan ko pang magbawas ng timbang para ‘pag magkasama kami sa eksena, hindi ako matabang tingnan on scene dahil alam kong slim siya,” sabi ni Bong.

Agaw- eksena ang pagdating ni Manny Pacquiao. Agad namang sinalubong ni Sen. Jinggoy ang People’s Champ para personal na ipakilala sa kanyang amang si Joseph Estrada. Para itong actor/politician, walang tigil sa pakikipagkamay, halos lahat gustong magpa-pictures.

NAKAKA-EXCITE ANG MAGAGANAP na Cosmetologie ‘09 Celebrities for the presentation of The Philippine International Cosmetologists Association (PICA) 1st Touché of Excellence in National Hair & Make-Up open competition na gaganapin sa SMX, MOA.

February 26, Thursday, 10am: Charlene Gonzales and Senator Francis Pangilinan ribbon cutting for the opening of Cosmetologie ‘09. 11am: Dawn Zulueta for the unveiling of the all Pilipino Hair & Make-Up. 5pm: Pops Fernandez for the Best In Men’s & Ladies’ cut, color & style.

Feb 27, Friday, 5pm: Ogie Alcasid and Judy Ann Santos for the Best in Bridal make-up. February 28, Saturday, 2-4pm: Rene Salud’s Ethnicity Fashion with Ramon Obusan Dance Troupe. 5pm: Gary Valenciano for the Best in Animae total look. 6pm: Cherie Gil, Wilma Doesn’t and Lorna Tolentino for the Best in Red Carpet look plus the fashion designers of the Philippines, hosted by Jomari Yllana and Fanny Serrano.

Na-touch talaga si TF sa all-out support na ibinigay sa kanya ng mga kaibigan sa showbiz. “I can’t believe kasi that they would ever make an effort to go, to the extent of adjusting their hectic schedule just to be part of the 3-day beauty event of my PICA Cosmetologie ‘09. Ginawa nila ito sa akin for free, sila pa mismo ang lumalapit para suportahan ako,” makahulugang turan ni Fanny.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.