Bong Revilla at Lani Mercado, magpapakasal ulit sa Holy Land?

Bong-Revilla-Lani-MercadoHABANG PAPALAPIT na ang pag-alis nina Bong Revilla at Lani Mercado pa-Holy Land, kung anu-ano ang sinasabi ng iba riyan para lang siraan si Bong.

In fairness naman talaga kay Bong, ang laki nang ipinagbago niya nang naging active na ito sa Bible study.

Lalo na ngayong kasama siya sa biyahe pa-Holy Land, ang laki nang ipinagbago niya at hindi na raw siya natatakot sa susunod na mangyari.

Kaya lang, habang sinusubaybayan ang isyung ito, lalo namang dumarami ang nagkukumbinsi kay Bong na tumakbo itong presidente sa 2016 elections. Tuloy, lalong pinag-initan si Bong at gusto yata talaga silang kasuhan para makulong.

Sabi ni Bong, hindi pa niya masasabi, depende sa kalalabasan ng kasong ito.

Ang sabi lang niya, kung talagang ‘yun ang destiny mo, ibibigay sa ‘yo ng Diyos ‘yan. Bahala na raw si Lord.

Pero ang ikinatuwa ko talaga, lalong naging malapit sina Bong at Lani dahil sa madalas nilang pag-Bible study.

‘Yun din ang magandang bagay sa madalas ding pag-Bible study nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Kaya ayun! Makakasama sila sa Holy Land na nakatakda nang umalis sa March 30.

Samantala, nauna palang mag-Holy Land sina Mike Enriquez kasabay sina Joey de Leon.

Ang sabi, magri-renew daw ng vows sina Mike at ng asawa niya. Hindi kaya magpapakasal din ulit doon sina Bong at Lani?

Ibabalita naman nila sa atin ‘yan pagbalik nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Bong Revilla at Lani Mercado, magpapakasal ulit sa Holy Land?

Leave a Reply

Your email address will not be published.