Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, naalarma sa nangyari kay Lolit Solis

Jinggoy-Estrada-Bong-Revilla-Lolit-SolisUSAPANG CELL at stem cell.

Kuwento ito mismo ni Lolit Solis tungkol sa kanyang ikalawang stem cell treatment sa Germany kamakailan, kasamang muli ang alagang si Lorna Tolentino.

Like the first stem cell treatment she underwent more than a year ago, hindi ikinakaila—much less ikinahihiya—ni ‘Nay Lolit na amining courtesy of her friend Dra. Vicki Belo ang milyong piso ring halaga ng nasabing medical breakthrough.

Malaki ang iginanda ng kundisyong pisikal ng talent manager-TV host makaraan ng unang gamutan. Mas gumaan daw ang kanyang pakiramdam.

But her diabetes—that manifested when she turned more than 60—became burdensome sa puntong kinailangan na niyang mag-insulin. Ito ang itinuturong culprit ni ‘Nay Lolit kung bakit bagama’t matagumpay naman ang kanyang ikalawang stem cell treatment ay nawalan siya raw ng malay nang makauwi na’t nagpapahinga sa kanyang West Fairview residence.

Dahil naalarma ang kanyang mga kaibigan most specially in showbiz, there was a seemingly endless barrage of phone calls after she regained her consciousness.

A concerned Bong Revilla—also her ward—rang her up. Tanong daw nang tanong ang senador kung ano’ng nangyari kay ‘Nay Lolit at kung ano ang kailangan nito.

Moments later, ang nasa kabilang linya naman daw ng telepono ay si Jinggoy Estrada, na noong malamang libre lang naman ang naturang treatment ay ito pa raw ang nanita sa kanya na may halo namang malasakit, “Eh, kasi naman, ang hilig-hilig mo sa libre, ‘no! Hayan tuloy nangyari sa ‘yo!”

Realizing that Senator Jinggoy had a point, tumawa na lang daw si ‘Nay Lolit.

Pero nang matapos niyang kausapin ang dalawang mambabatas ay napaluha raw ang manager-TV host. Sila kasi itong may pinagdaraanan, pero nakuha pa raw siyang pagmalasakitan.

Sabi nga namin kay ‘Nay Lolit, concerned ang kanyang mga kaibigang nasa kani-kanilang detention CELL sa kanyang sinapit bunga ng stem CELL treatment.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, naalarma sa nangyari kay Lolit Solis

  1. NYAHAHAHA KARMA NA YAN LOLITA HARBATERA MABUTI DI KA NATULUYAN .. AT ITO NAMAN MGA SENATONG DI BA NAKULONG NA SILA? AT BAWAL ANG PHONE SA LOOB NG KULUNGAN BAKIT NAKATAWAG PA ITONG DALAWANG PORK PDAF SCAMMERS?

  2. O ayan karma na yan. Sa mga ginagawang mga katarantaduhan nito nun itong si Lita na ito, I’m surprised na ngayon lang ito na karma.

  3. Siyempre, concerned ang mga magnas na kaibigan ni harbat queen. Lagi kasing ipinagtatanggol ni harbat ang mga ito sa articles niya. Walang mga prinsipyo. Lalu ka na Lolit. Itinitinda mo ang kaluluwa mo sa mga magnanakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.