Bong Revilla is Alex Jazz’ father?

MAINGAY NGAYON SA showbiz ang pagdadamot sa media na ginawa ni Jennylyn Mercado tungkol sa binyag ng kanyang anak na si Alex Jazz. Walang imbitado! Hindi tinatanggap ng unwed mother na aktres ang papuri na sikat siya at taga-showbiz dahil artista, kaya interesado ang media na makasagap din ng balita tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay. Ang kanyang litanya: “Alam ko na nasa showbiz ako, pero sana ginalang naman nila ang gusto ko.”

Naguguluhan na talaga ang mga taga-media sa kadramahan ngayon ni Jennylyn. Parang napakarami naman daw ngayong bawas sa sistema nito. Kung sabagay, baka nga naaaburido na siya dahil sa masalimuot na takbo ng kanyang buhay. Hindi ba naman dati, nabulgar na mayroong Good Samaritan na gustong tumulong sa kanyang mga pangangailangan nu’ng nagbubuntis pa lang siya?

Nagtataka rin ang mga taga-media. Ano raw ba ang dapat na itago ni Jennylyn? Noong minsang sabay-sabay kaming mag-guest para sa taping ng programang Juicy ng TV5 ng mga kasamahan sa panulat na sina Beth Gelena at Glen Sibonga, guest ang isang ang kontrobersiyal na aktres na si Rosanna Roces, na nagtanong sa amin ng: “Hoy, may chismis na may nagbigay daw ng bahay kay Jennylyn Mercado sa malapit sa subdivision na tinitirahan ko. Sino naman kaya ang nagbigay noon?” Sabi namin: “Hindi kaya bigay ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr? Kasi’y na-link din sila dati.” Sabi ng kontrobersiyal na aktres: “Hindi naman siguro galing kay Bong ‘yung house. Kasi’y malapit lang sa subdivision namin. Kilala ako ni Bong, hindi niya siyempre gagawin ‘yon.”

Nariyan din ang isyu, na kaya daw may intensiyon na ilihim ang binyagan ni Alex Jazz, baka biglang dumating ang daddy ng bata na si Patrick Garcia. Para raw napakaraming iniiwasan ngayon ni Jennylyn. Ano ba talaga ang mga dapat niyang itago? Meron ba?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Bong Revilla is Alex Jazz’ father?

Leave a Reply

Your email address will not be published.