Bong Revilla at Vic Sotto, magsasama sa isang pelikula!

MAY PAG-UUSAP PALA ngayon kina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto para sa isang proyektong pagsasamahan nila.

Naikuwento sa akin ng napakabait na kapatid ni Bong na si Andeng Ynares na noon pa pala nila nililigawan si Bossing Vic na gumawa sa kanila ng pelikula kasama si Bong pero hindi pa rin natutuluy-tuloy.

Ngayon ay mukhang may linaw na pero ayaw pa ring kumpirmahin ni Bong dahil hindi pa naman daw na-finalize lahat.

Ang gagawing project yata nila ay ‘yung Agimat ni Enteng Kabisote, pero siyempre maingat sila sa script niyan na dapat pantay ang exposure ng dalawang bida.

Ang tanong tuloy ng karamihan, wala na ba ang part two ng Panday na dapat isali sa susunod na Metro Manila Film Festival?

Sabi naman ni Bong sa amin, kung sakaling matuloy ito, hindi raw nila ito isasali sa filmfest. Baka regular run daw ito dahil meron ding nakakasa si Vic para sa MMFF at ngayon pa lang ay ginagawa na ang script ng part two ng Panday. Kaya tuloy pa rin itong Panday dahil maganda ang resulta nito sa takilya.

Dagdag pa ngang kuwento ni Bong, umabot na ng 120 million pesos ang kinita nito na hanggang ngayon ay showing pa rin sa mga probinsiya. Bongga na ‘yun, ‘di ba?

GUSTO KO NGA palang i-congratulate sina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil consistent na mataas ang rating ng The Last Prince na talagang bumabangga sa malakas na teleserye ng ABS-CBN 2.

Kaya kahit hirap sila, tinitiis nila ito dahil maganda ang resulta at feedback sa programa nila.

Hirap na hirap na nga si Aljur sa prosthetics na ikinakabit sa mukha niya, pati si Kris ay nagkabutlig-butlig na ang balat nito dahil sa mga insekto sa gubat  na kumakagat sa kanya.

Ang pangit na nga raw ng balat niya kaya kailangan niya talaga ng treatment para bumalik sa dati.

Kahit wala pa ring namamagitan sa dalawa, nanatiling close pa rin sila at kuwento nga ni Aljur, may mga ilan pa raw na lalaki na nagpapaalam sa kanya kung puwede nilang ligawan si Kris.

Sa ngayon ay wala namang ini-entertain na manliligaw si Kris dahil mas gusto naman daw niyang mag-focus sa trabaho niya.

Pero may narinig naman akong merong umaali-aligid sa kanya na taga-Bandaoke pero deny naman ito kaya kinalkal na nga ng Startalk iyan. Pero kahit I’yung lalaking ‘yun ay todo-deny rin.

As usual, “friends” din ang sagot nila na mukhang ang ending sina Kris at Aljur pa rin ang magkakatuluyan.

‘Di ba break na sina Aljur at Rich Asuncion? Hindi naman siguro si Kris ang dahilan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

2 thoughts on “Bong Revilla at Vic Sotto, magsasama sa isang pelikula!

  1. An0 ba yan?ang mga ta0 tlga bsta may magic 0 spcial effcts gndang gnda na cla,eh ub0d ng baduy at panget ng last prince,pde ba last na yan ha?hahaha3 saka pati mga akting grbeh,di m0 mlman kung rehearsal lng ba un 0 t0d0 na nla un,,grbeh pa dn ung mukha ni kris hnd gumagalaw,,wlang ka ekspe eksprsy0n ung mukha,,ngpa c0llagen tlga un…haha3

    Mabuti pa ang KTM grbeh ang gagaling lht ng akting,tp0z npkgnda pa ng st0rya,araw2 hnd m0 bibitawan dhl hbng tumatgal ms ng2ng kaabang abang,npkblis ng pacing ng st0ry,hnd ka mb2g0t,,hnd ka p2ik0t ikutin,,kc mdls inaab0t ng buwan bg0 mgkaalaman 0 kya pag ending na ska plng ml2man,kya ang kinaganda tlga ng ktm plgng juicy ang mga epis0des at tlgng mbls ang st0ry,gn0n tlga mg2lng kc mga writers sa abs kya hnd na kataka taka kung bkt ms mg2nda ang s0ap ng abs…haha3

    C0ngratz ktm,wg ng pgbgyn ang mga palakang ilusyanda at ilusy0nad0,,hahaha3 lht nlng ng mg2ndng fairytales binabab0y ni0 na at take n0te pati twilight gngya ni0 na,an0 ba gma be 0riginality nmn….pur0 remake na nga kau tp0z c0pycat pa at pblk balik na dn mga s0ap,wla nbng bag0?hahaha3

    C0ngratz Ktm…n0.1

    • Tanga ka ba!? o sadyang gaga lang. Gusto mong i-praise release ang palabas ng dos, sasabihan mo pa na hindi maganda ang The Last Prince. Eh ang tanga tanga mo naman pala eh, hindi ka naman nanonood ng The Last Prince, dahil nga loyalista ka sa ibang channel. For sure, kung sa production lang naman, di hamak na mas maganda ang pagkakagawa ng The Last Prince, at kahit fantasy, ay maganda naman ang flow ng story.

Leave a Reply

Your email address will not be published.