BONG REVILLA AT ER EJERCITO, NAG-AAGAWAN KAY EMILIO AGUINALDO

KAHIT ABALA SI ER Ejercito sa pagi-ging gobernador ng  Pagsanjan, Laguna, gusto pa rin niya ang pag-aartista, kaya siya na mismo ang magpu-produce ng pelikulang pagbibidahan niya. Matagal na pala niyang balak na gawin ang biopic ni Emilio Aguinaldo at ngayon ay itutuloy na raw niya kasama ang iba pa niyang financer. El Presidente ang title ng pelikulang gagawin niyang tumatalakay ng kuwento ng buhay ng bayani.

Kaya lang, narinig ko namang gagawin din daw ito ni Sen. Bong Revilla. Matagal nang binabalak ‘yan ni Bong dahil taga-Ca-vite siya, kaya baka magkaroon ng conflict ito sa kanilang dalawa. Dapat pag-usapan nila ito dahil matagal na ring pinaplano ito ni Bong.

Pero meron pang Panday si Bong na sisimulan na rin niya dahil isasali niya ito sa Metro Manila Film Festival. Itong kay ER naman ay malapit na niyang simulan na ididirek ni Tikoy Aguiluz.

Abangan na lang natin kung ano ang susunod na mangyayari dahil mukhang gagastusan ito nang husto nina ER. ‘Jeorge Estregan’ pala ang pangalan ni ER kapag artista ang drama niya, para maiba naman sa kanyang pagiging gobernador.

PAGKATAPOS INILABAS DITO sa Pinoy Parazzi sina Ervic Vijandre at ang dating SexBomb girl na si Aifa Medina na nagpunta ng Hong Kong kamakailan, umiwas na itong Aifa na magpa-interview at ayaw niya talagang magsalita kung sila na ba talaga ni Ervic.

Si Ervic lang ang nakausap ng Startalk at itinanggi naman niyang sila na. Getting-to-know pa lang daw sila, at siguro, doon na sila nagkaalaman sa Hong Kong. Tingin n’yo?

Kasama raw kasi ni Ervic ang pamilya niya na nagbakasyon doon at naisipan daw niyang isama si Aifa dahil naging close naman daw sila. Madalas naman daw silang nagdi-date pagkatapos silang ipinakilala ni Aira Bermudez na naging kasama niya dati sa Survivor.

So far, hanggang doon pa lang daw sila, pero malay natin, baka magkadebelopan din!

Pero parang ayokong maniwala d’yan dahil sumama na nga sa Hong Kong, kaya may something na sa kanilang dalawa. Ayaw nang magsalita ni Aifa tungkol diyan dahil mapipilitan lang siya sigurong magsinungaling, kaya hintayin na lang natin na umamin silang dalawa.

Sa Viva Artists Management na pala si Aifa at si Ervic naman ay kasali na sa Captain Barbell. Enjoy na raw siya sa pag-aartista pagkatapos ng Survivor, kaya tuluy-tuloy na ang pag-aartista niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.