Bong, gustong maka-face to face si Napoles

IGINIIT NI Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na nais niyang paharapin ang tinaguriang reyna ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles sa pagsisiyasat ng Senado kahit pa nadawit ang kanyang pangalan.

Sinabi ng senador na marapat lamang na humarap sa imbestigasyon ng Senado si Napoles upang lumabas ang katotohanan.

Naniniwala ang mambabatas na matatapos ang masalimuot na isyu ng pork barrel fund scam kung pahaharapin sa pagsisiyasat si Napoles.

Dapat din aniyang managot ang mga dapat managot sa naturang scam kung saan nagawang ilipat ng negosyante sa kanyang mga pekeng non-government organizations (NGOs) ang pork barrel ng ilang mambabatas.

Samantala, bukod kay Revilla, nasangkot din ang pa¬ngalan nina Sens. Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada sa pork barrel scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.