Bong, Esmeralda, itinurong protektor ni Napoles

PINANGALANAN NG PDAF scam private complainant at abogado ng isa sa witness sa scam na si Atty. Levito Baligod ang aniya’y malalaking personalidad na naging tila protektor ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Kabilang sa mga ito sina Sen. Bong Revilla Jr. at sinibak na si NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.

Sinabi ni Baligod na narinig mismo ng kanilang informant nang sabihin ni Revilla sa NBI official na magdahan-dahan sa kaso ni Napoles.

Habang si Esmeralda naman ay tinawag pa nitong protektor ng tinaguriang reyna ng pork scam.

Sinasabing ginawa nina Revilla at Esmeralda ang nasabing pulong sa isang malaking hotel sa Makati City.

Inihayag pa ni Baligod na marami pa silang hawak na impormasyon na ilalantad na lamang sa mismong pagdinig ng kaso sa sandiganbayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.