Bong at Bongbong Tandem sa 2016, Lumutang

LUMUTANG ANG posibilidad na tandem nina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential elections sa 2016 kahit pa magkahiwalay na sinabi ng dalawang mambabatas na hindi pa sila pormal na nag-uusap.

Unang sinabi ni Marcos na nag-umpisang lumutang ang nasabing posibilidad na magtambal sila ni Revilla nang bumisita ito sa Ilocos.

Nagbiro pa si Marcos na mas mapapadali ang kanilang kampanya dahil madaling tandaan ang “Bong” at “Bongbong”.

Kinumpirma naman ni Revilla na may mga nagpapalutang ng posibilidad na mag-tandem sila ni Marcos sa 2016 pero masyado pa aniyang maaga ang magsalita.

Samantala, sinabi pa ni ng senador na pinagha¬handaan na lamang niya kung ano ang dara¬ting sa buhay niya dahil naniniwala pa rin ito sa “destiny”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.