Bonding moments ni James Yap at ng anak na si Bimby, priceless

MARAMING FANS at followers ni James Yap sa photo-sharing website na Instagram ang natuwa dahil muli na silang nagkasama ng anak na si Bimby ilang linggo na ang nakakaraan.

Six weeks ago, nag-post si James ng larawan nila ni Bimby na naglalro sa isang children entertainment place.

Nasa harap ang dalawa sa isang toy gun video games kung saan naka-caption dito ang The Lone Ranger. Naka-hashtag dito ang #bonding #thankyoulord #priceless.

Matatandaang naging malaking issue ilang buwan na ang nakaraan tungkol sa visiting hours ni James sa anak nang magsampa si Kris Aquino ng Permanent Protection Order.

Sa ngayon, tahimik na ang magkabilang kampo. Sana nga tuluy-tuloy na itong bonding ng mag-ama. Mas maganda nga namang scenario ‘yung kahit na hiwalay na ang mga magulang, nararamdaman pa rin ng bata ang presensya ng mga magulang nito para hindi ito mapariwara habang lumalaki.

 

REFRESHING. ‘YAN ang pakiramdam ni Raymond Gutierrez daw sa ngayon matapos siyang maging bahagi sa lalo pang lumalaking Kapatid Network, ang TV5.

Kuwento ni Raymond sa amin, “For me, it’s refreshing, it’s a new start. I was with GMA since you know I was a teenager. So ngayon naman, parang ano naman, bagong chapter. So it’s a start of a new relationship and start of new chapter in my life.”

Nakausap namin si Raymond sa backstage ng Megatrade Hall ng SM Megamall noong Sabado, September 8 sa idinaos na  trade launch ng TV5 na may pamagat na Weekend Do It Better bilang paglulunsad ng walong bagong programa sa weekend primetime na magsisimula na sa September 14, Sabado.

Aminado si Raymond na kakaiba ang sayang dulot ng mga naging bonding moments nila ng kanyang co-hosts nitong mga nakaraang linggo. “Masaya. You know si Lucy, I know her like from you know we go to Ben Chan’s house together so  parang I’ve known Lucy for many years and also because she’s Bisaya and my mom is Bisaya. Si Nay Cristy, it’s actually my first time to bond with her and talk to her. Pero alam ko na na she had a good working relationship with my sister (Ruffa) and parang alam ko na nanay-nanayan talaga siya sa showbiz. And with Direk Joey naman he’s really such an authoritative person kaya iniidolo ko siya.”

Bakit nga ba niya tinanggap ang offer ng TV5? “You know because I really trust Tita Wilma (Galvante). Siya talaga ‘yung nag-discover sa akin before. And then when we had a meeting and she told me kung ano ‘yung plans niya for TV5. Siyempre,  if I believe in someone, I will really support them, so ‘yun. Thankful din ako sa kanya na naisip din niya ako for this new project. Tamang tama na-drop na rin ‘yung show ko sa kabila, so perfect timing.”

Hands-on din daw siya sa kanyang segment. “I’m that kind of person eh. In everything that I do, whether it’s for my magazine work, for my column, I’d like to get involved. I’d like to be creative, part din ako minsan ng mga brainstorming sessions dito. So ‘yun, nakakatuwa.”

Ano nga ba ang aasahan ng mga manunuod sa Showbiz Police? “Ang mganda rito, even me, I’m looking forward du’n sa banter ng hosts. Kasi we come from all different backgrounds, so we all have different opinions, we all have different take on different issues. So feeling ko, masaya ‘yung mga kuwnetuhan namin. ‘Yung mga opinion namin. And also, ako I’m also looking forward  nga du’n sa housebreak segment because I get to visit some of the homes of celebrities. So, exciting din ‘yun because ako I just recently moved into my condo. So, parang ‘yung interior design, parang naiisp ko na rin siya. So it’s interesting for me to see how people live.”

Nitong mga nakaraang linggo, isinangkot din si Raymond sa isyu ng pork barrel scam kung saan nadawit ang kanyang pangalan bilang business partner diumano ng anak ni Janet Napoles. Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng pahayag ang bagong Kapatid artists at sinabi nitong kumukunsulta na ito sa kanyang abogado. Muli naming hiningan si Raymond ng kanyang paliwanag tungkol dito. “You know I was gonna say the statement sana sa first airing na lang sa show. Sasagutin ko ‘yan.”

Tungkol naman sa hindi mamatay-matay na issue na diumano ay may anak na ang kanyang kakambal na si Richard sa girlfriend nitong si Sarah Lahbati, natawa na lang ito sabay sabing, “Ay, wala akong masasabi diyan, siya ang tanungin n’yo.”

‘Yun na!!!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.