Bombero, Dinedo ang Kapwa Bombero Saka Nagpatiwakal

NAPATAY ANG isang 44-anyos na tauhan ng Bureau of Fire Protection ng kanyang kapwa bombero na nagbaril naman sa sarili matapos na makipagtalo sa kanyang nobya sa Barangay Tagumpay, bayan ng Orani, Bataan kamakailan.

Dead on arrival sa Bataan General Hospital sina SFO2 Charlie Mendoza, 52, ng Brangay Sibul, Orani, at nakatalaga sa Dinalupihan Fire Station at FO2 Enrico Caraan ng Brgy. Tugatog at nakatalaga naman sa Orani Fire Station.

Nasugatan naman ang sinasabing nobya ni Mendoza na si Arlyn Lopez, 47, ng Barangay Mulawin, Orani.

Base sa report  ni P/Insp. Ja­nice Piga ng Bataan PNP, nangyari ang insidente sa apartment na inuupahan ni Caraan kung saan nag-iinuman ang tatlo.

Nabatid na nagkainitan ang magkalaguyong sina SFO2 Mendoza at Lopez kung saan sinuntok ng la­laki ang babae na gumanti naman.

Dito na pinaulanan ng bala ni Mendoza ang nobyang si Lopez kung saan tinangka namang awatin ni Caraan pero pinagbabaril naman siya ng kabaro.

Samantala, matapos ang pamamaslang ay nagbaril sa sa­rili ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.