BOMBAY NANINGIL, SAKSAK ANG IBINAYAD

BOCAUE, BULACAN – HINDI sukat akalain ng isang Indian national na ang lakad niya kahapon para maningil ng kanyang mga pautang ay sa ospital na pala siya pupulutin sanhi ng malalim na mga tama ng saksak na ibinayad sa kanya ng isang may utang ngunit walang pambayad.

Ang biktima na nakilalang si Johnny Singh 49, residente ng Brgy. Lolomboy, Bocaue ay kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan sa Nazarenus Hospital sa bayang ito, habang nakakulong naman ang suspek na si Mark Anthony Santillan, 24, ng Brgy.Bunducan sa bayan ding ito.

Sa inisyal na ulat, dakong alas 9:50 ng umaga ay nagkita si Singh at Santillan sa tapat ng Joner’s Supermarket sa Brgy.Lolomboy at agad na sinita ito ng bombay dahil sa matagal ng hindi pagbabayad ng kanyang pautang na 5/6.

Gayunman, dahil walang pambayad ang suspek, nagbunot na lang ito ng dalang kutsilyo at sinaksak ng ilang beses ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na tumakas ang suspek ngunit agaran din itong nahuli ng mga tauhan ni Bocaue Chief of Police Col. Ronald de Jesus upang papanagutin sa ginawang krimen.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.