Bomb Threat sa LTFRB, Dahil sa Insurance

SINASABING MAY kinalaman ang nangyaring bomb threat sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City sa naantalang proseso ng akreditasyon sa insurance ng ahensiya.

Napag-alaman na inilunsad ang LTFRB programa noong 2001 sa panawagan ng Passenger Accident Insurance Program (PAIP) ng mandato sa lahat ng public utility vehicle (PUV) na magkaroon ng Passenger Accident Insurance Coverage.

Ito ay para maayudahan ang mga pasahero ng PUV na biktima ng aksidente at matugunan ang isyu kaugnay ng pekeng mga polisiya, hindi pagbayad ng insurance claims, pagharang sa presyo at hindi pagbayad ng buwis ng mga insurance company.

Ipinatupad ng ahensiya ang pinagtibay na sistema ng Korte Suprema para mapag-ibayo ang monitoring at pagsunod ng ilang limitadong bilang ng insurance group o consortium na papayagan na mag-alok ng insurance policy.

Base sa Supreme Court (SC), lahat ng insurance company na lisensiyado ng Insurance Commission ay makadadalo sa progama.

Noong Oktubre, nagpa-labas ang LTFRB ng kalatas sa lahat ng interesadong partido na nais lumahok sa PAIP na magsumite ng kanilang aplikasyon ng hanggang 10:00 ng umaga noong Nobyembre 4.

Lumalabas sa panuntunan ng ahensiya, apat na grupo lamang ang bibigyan ng akreditasyon para sa insurance cover.Ang tatlong grupo ay nakapaghain na ng kanilang akreditasyon ay ang Philippine Accident Managers, Inc o PAMI, Strategic Comprehensive and Consultancy, Inc at Stronghold Insurance Group.

Bago pa ang bomb threat kamakailan, nang buksan ang mga sealed document ng mga aplikante, may tawag sa telepono ang LTFRB mula sa Philtranco employee at nagsabing may bomba sa tanggapan.

Samantala dahil dito, natigil ang insurance accreditation process at agad na inilikas ang mga empleyado mula sa gusali ng nasabing tanggapan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.