Bomb components, narekober sa pension house sa Maynila

 

NADUSKUBRE NG Manila Police District (MPD) Bomb Squad ang mga sangkap sa paggawa ng pampasabog sa isang silid ng isang pension house sa A. Mabini Street, Ermita, Maynila.

Kabilang dito ang bala ng M16 rifle, dalawang tubo sa paggawa ng pipe bomb, detonating cords at cellphone triggering device.

Base sa talaan ng pension house, isang Jonathan Jose na mula sa Baguio City ang nag-check in sa silid kamakalawa at umalis kahapon ng alas-4 ng madaling-araw.

Sinabi ni Inspector Arnold Santos, kayang magpasabog ng isang bahay ang isang pipe bomb.

Natagpuan pang may pulbura ang isang tubo na palatandang sinisi-mulan nang gawin ang pampasabog.

Samantala, natagpuan ang nasabing bomb components ng isang room boy matapos umalis ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.