Bomb Blast, Malabo; Gas Leak, Posible sa Pagsabog sa Serendra

PUMASOK NA rin sa pagsisiyasat sa pagsabog sa Two Serendra ang isang grupo mula sa University of the Philippines – National Institute for Geological Sciences (UP-NIGS).

Sinabi ni Dr. Calo Arcilla ng UP-NIGS na bagama’t wala nang bakas ng gases sa lugar nang inspeksyunin nila, hindi nila inaalis ang posibilidad na ito ang na-ging sanhi ng pagsabog noong Mayo 31.

Ito’y sa kawalan na rin ng natagpuang triggering device at pagkabigo ng tatlong teams ng bomb sniffing dogs na makatukoy ang anumang residue o fumes ng bomba sa lugar ng insidente.

Hindi naman gustong ipakahulugan ni Arcilla na hindi ligtas ang paggamit ng nakatubong suplay ng gas na normal na aniya sa US at iba pang bansa.

Samantala, aminado naman ang UP-NIGS na sa ngayon mas mahirap patunayan kung gas explosion ang nangyari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.