BOLERONG SUGAL SA PAMPANGA AT P6-B NG NFA

SINUNGALING ANG MGA taong nagsasalita na hindi raw binobola ang Jueteng (kunyari STL) sa lalawigang ito.

Ilang residente, parekoy, ng Pampanga ang nakikipag-ugnayan sa atin at pinatutunayan na nagkakaroon naman talaga ng “pagbola” ang Jueteng sa kanilang lugar.

Katunayan, dala-dalawa pa nga raw ang ginagawang “pambobola” ng Jueteng… Una – taumbayan ang binobola dahil pinapaniwala sila na parehas ang labanan gayung kapag may nag-birthday na opisyal ay pompyang ang labas!

Pangalawa – binobola ang PCSO dahil pinapaniwala silang sinusunod ng lintek na Santo Papa ng Jueteng ang mga patakaran ng PCSO kaugnay sa tunay na pag-operate ng STL.

O, ano mga taga-Pampanga, naniniwala na kayo na dala-dalawa pa nga ang pambobolang nagaganap sa inyo!

Talagang mapalad kayong mga taga-Pampanga oo, hindi lamang sa may sarili kayong “lord” at ang inyong lugar ay tinaguriang “Vatican” (of jueteng nga lang)…

Mayroon pa kayong “Mama Mary”, isang makapangyarihang babae na tagapagtanggol… ng sugal nga lang! Hak, hak, hak!

LINTEK DIN NAMAN itong panibagong pautot ng administrator ng National Food Authority (NFA) na si Lito Banayo.

Noong bagong upo pa lamang ito, parekoy, ay kaliwa’t kanang hambalos sa kanyang pinalitan ang ginawa ng lokong ito dahil inuuod na lang daw sa mga warehouse ng NFA ang mga bigas na hindi napapakinabangan ng mga kababayan nating mahihirap.

Ba’t daw kasi namili nang husto nang sobra sa ating kakailanganin?

Akala naman natin ay makabayan talaga itong si Banayo kung umasta, ‘yun pala nagalit lang yata dahil hindi tuloy sila makapag-import nang husto ngayon… paano nga naman sila kikita nang husto?

Bakit natin nasabi, parekoy? Ayan, dahil hindi kikita sa importation ng NFA rice, nag-isip na lang ng ibang pakulo itong si Ginoong Banayo.

Mangungutang naman daw sila ng 6 na bilyong piso sa mga bangko upang ipambili nila ng palay.

Anoooo… palayyyyyy?! Susmaryosep, parekoy, ang bigas na manggagaling sa palay rito sa atin ay ‘commercial rice” ang kinalalabasan, parekoy.

At bakit ang commercial rice ang pagtutuunan ng pansin ng NFA gayung sagana naman tayo sa commercial rice?

Pangalawa, ang tunay na trabaho ng NFA ay upang alalayan ang mahihirap upang makayanan nila ang presyo ng NFA rice o matiyak na magkakaroon ng “murang” pagkain ang mahihirap!!!

Sa totoo lang, parekoy, kaya mangungutang ang NFA ng 6 na bilyong piso, upang magkaroon ng malaking pondo sa kanilang kamay.

Na kung malingat ang taumbayan ay maglalaho na lang naman ito na parang bula! Pwe!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com.

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.