Bold star worried sa nude photos sa internet

IN LOVE SI Alfred Vargas at ito ang dahilan kung bakit halos ay hindi na namin siya nahahagilap. Kung hindi pa nagbukas ang Cinemalaya  V sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ay hindi yata makakaisip si Alfred na mag-text back sa amin dahil alam niyang doon niya kami madaling makikita.

Palabas na kasi roon ang indie film na Colorum na pinagbibidahan nila ni Lou Veloso kaya for a time ay naging visible si Alfred doon. At nakita nga naming kasama niya roon ang ipinakilala pa niyang girlfriend sa amin, si Yasmine.

Nakiusap lang sa amin ang aktor na huwag nang interbyuhin ang GF niya o kunan pa ng photos. Marunong tumiyempo si Alfred dahil matinee show pala ng  movie nang manood sila sa CCP kaya wala pang gaanong press doon. Sa Huwebes pa ng gabi ang gala premiere ng nabanggit na pelikula.

Anyway, si Alfred ang magiging bagong leading man ni Marian Rivera sa Darna, ang bagong telefantasya ng GMA-7. Ang isa pang makakapareha ni Marian dito ay si Mark Anthony Fernandez.

NAKAUSAP NAMIN NANG pahapyaw si Paolo Rivero sa premiere night ng Astig kung saan may maiksi subalit mahalagang papel siya, sa Cinemalaya V event sa CCP at magpe-premiere naman tonight ang Bayaw, ang controversial gay film na pinagtatambalan nila ni Janvier Daily.

Kumakalat nga raw sa Internet ang hubad niyang kuha mula sa isang eksena sa pelikula. Medyo worried si Paolo. Wala naman siyang qualms sa paghuhubad, pero inaalala niya ang repercussions ng pagkalat ng ganitong mga larawan, lalo na’t nagbabalak siyang mag-file ng kandidatura para sa 2010 elections.

Paolo is running for Mayor in a Bataan town, pero hindi pa rin nga tiyak. Kaya lang siyempre, nakakadagdag ng pressures ang ganitong bagay. Sinabi lang sa amin sa kanya na madaling lusutan ‘yan dahil kilala naman siya bilang aktor na gumaganap ng mga mapapangahas na papel sa pelikula.

By this time, na-research na siguro ni Paolo ang tungkol sa mga kumakalat na photos niya sa Internet. Pero, wala rin kasing tigil si Paolo sa paggawa ng ganitong klase ng mga pelikula. Dito kasi siya mabili.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

2 thoughts on “Bold star worried sa nude photos sa internet

Leave a Reply

Your email address will not be published.