Bold show at torohan sa club sa Caloocan, Naaktuhan; 14 na GRO, dinampot

HINIHILING NG MGA mamamahayag na kumokober sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area ang madaliang pagbibitiw ni Arlie Calalo bilang presidente ng CAMANAVA Press Corps nang mapaulat sa mga pahayagan ang pag-o-operate nito ng torohan at bold shows sa kanyang club sa Lungsod ng Caloocan.

Ayon sa mga reporters ng iba’t ibang diyaryo, wala nang maipakikitang dangal bilang isang reporter si Calalo dahil sa paglabag nito sa Journalism Code of Ethics.

Dahil dito, hinihiling ng mga kapwa reporter ni Calalo na magbitiw na sapagkat nakasisira ito sa dangal ng CAMANAVA Press Corps Office, kung saan siya ay namumuno.

Magugunita, noong nakalipas na Disyembre 28, 2010 ay sinalakay ang kanyang Monica 2 Club ng mga pulis at ilang kagawad ng Business Permit and Licensing Office dahil sa talamak na pagpapalabas ng bold shows at torohan kung saan 14 na guest relation officer (GRO) nito ang nadampot.

Napakasuwerte ni Calalo dahil nang isagawa ang raid sa kanyang club ay nakatunog ito at mabilis na nakatalilis.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police Station ang kababaihang dinampot na may mga edad 18 hangang 24 anyos na nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 0386 series of 2004 (Working Without Securing Necessary Permit).

Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang negosyanteng si Cristituta Panid, 70 at anak nitong si Joan na live-in partner naman ni Arlie Calalo, reporter ng Tribune at pangulo ng CAMANAVA PRESS Corps na nagtangka pa umanong arburin sa mga una ang mga dinampot na mga GRO.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Chief Inspector Rodrigo Soriano, hepe ng Station Investigation and Detective Management Brach (SIDMB) ng Caloocan-PNP, nabatid na dakong alas-10:15 ng gabi nang salakayin ng mga pulis at mga kawani ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang Monica 2 KTV Bar na matatagpuan sa # 598-B McArthur Highway ng nasabing lungsod.

Nabatid na bago isinagawa ang pagsalakay, noong December 23, 2010 personal na nakunan ng surveillance camera ng mga ahente ng XXX, programa sa ABS-CBN ang live na pakikipag-sex ng isang babae at lalaki sa entablado ng nabanggit na club na kung tawagin ay ‘torohan”.

Dahil dito, hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga pulis kaya nagbuo ng raiding team upang mahinto ang naturang iligal at imoral na gawain. Subalit pagdating sa club ay ‘di naabutan ng mga una ang may-ari at anak nitong floor manager na mabilis na nakatakas maliban sa mga babaeng naaktuhang sumasayaw nang hubo’t hubad.

Sa police headqurters, napag-alaman na pilit umanong pinakikiusapan ni Calalo si Ronquillo na “arburin” ang babae at nagpakilalang presidente ng samahan ng mga mamahayag sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area subalit hindi natinag ang huli kaya hindi pumayag sa hiling ng una.

Kaugnay nito, dahil sa insidente ay tuluyan nang isinara ng lokal na pamahalaan ang Monica 2 KTV dahil bukod sa iligal nitong gawain ay lumalabas din na matagal nang hindi nakapagbabayad ang naturang club ng Business Permit na umabot sa dalawang quarters.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Bold show at torohan sa club sa Caloocan, Naaktuhan; 14 na GRO, dinampot

Leave a Reply

Your email address will not be published.