Boksingero, Todas sa Apat

HINDI UMUBRA ang kamao ng isang boksingero sa apat na hindi pa kilalang mga suspek nang pagsasaksakin ang una habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Michael Corea, 27, ng Bulak St., Amparo ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima malapit sa kanilang bahay nang salubungin ng mga suspek at pagtulungan bugbugin.

Bago tumakas ay pinagsasaksak pa ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa JRH.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.