Bodyguard ng Vice-Mayor, Kulong sa Shabu

KULONG ANG isang nagpapakilalang bodyguard ng vice-mayor ng Masbate City nang makuhan ng Shabu at paraphernalia sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Rodolfo Echavez, nasa hustong gulang ng Lapu-Lapu Ext., ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng gabi, nagpaikut-ikot ang suspek sakay ng motorsiklo sa nasabing lugar na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay pinara ang suspek at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu at mga paraphernalia.

Sinabi ng suspek na bodyguard siya ng vice-mayor ng Masbate City subalit hindi na sinabi ang pangalan ng amo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.