Bodyguard ng Pulitiko, Nanaksak

PATULOY NA pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na umano’y nanaksak sa mag-ama sa Barangay Bautista, Caba, La Union.

Nakilala ang salarin na si Francisco Terado, isa umanong bodyguard ng pulitiko, habang ang mag-amang biktima ay sina Milencio Gabriel, 43, at Jerome Lubrira, 14, estudyante at kapwa residente ng naturang lugar.

Base sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, pauwi na sana si Jerome nang salubungin ng suspek at agad na sinaksak ito sa tiyan.

Dahil sa pagsigaw ng biktima ay agad sumaklolo ang ama nito ngunit sa kasamaang palad ay agad ding sinaksak ng salarin sa kaliwang tiyan nito.

Tumakas naman palayo ang suspek matapos ang insidente. Habang sinaklolohan din ng mga residente ang mag-amang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga kinauukulan sa naturang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.