Bodyguard, itinurong pumaslang sa anak ng ex-Mayor

 

MALALIM NA imbestigasyon upang matiyak na hindi fallguy ang isinuplong na lalaki na itinuturong pumatay sa anak ng dating alkalde ng Pugo, La Union.

Tiniyak naman ng La Union Provincial Police Office na bumuo na sila ng task force para sa pagpaslang kay Pio Balaoquing, 41 anyos, ng Brgy. Duplas, anak ni dating Mayor Orlando Balaoguing.

Nakakulong ngayon sa nasabing himpilan ng pulisya si Orlando Padillo, 34 anyos at bodyguard ng matandang Balaoquing.

Sa pagsisiyasat, limang tama ng punglo ang tinamo ni Pio sa iba’t ibang bahagi ng katawan at naganap ang pamamaril alas-8 ng gabi sa compound ng pamilya Balaoquing.

Napag-alaman na mismong ang dating alkalde ang naghatid sa mga pulis kay Padillo habang hindi ito nagsalita kung ano ang iba pang detalye sa nasabing krimen. (EUNICE CALMA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.