Bodyguard, dedo rin
Konsehal, Niratrat sa Sabungan

TIG-ISANG PUNGLO sa ulo at tagiliran ang tumapos sa buhay ng isang re-electionist na konsehal makaraang pagbabarilin sa sabungan kamakalawa ng hapon San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ng Laguna PNP, kinilala ang nasawi na si Edgardo Adajar, 55-anyos, may-asawa at residente ng Block 6 Lot6, 4 NHA, Brgy. San Jose.

Nasawi rin habang ginagamot sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna ang bodyguard ni Adajar na si Ronaldo Leonardo, 40, ng Brgy. Sto. Nino.

Sa imbestigasyon, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang ulo mula sa kalibre 45 baril ang mga biktima.

Ayon sa report kay Laguna PNP Provincial Director P/S Supt. Pascual Munoz Jr, dakong alas-4:00 ng hapon nang tambangan ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo ang mga biktima na papalabas ng sabungan.

Sinasabing isa sa mga ito ang tumayong gunman habang ang kanya namang kasama ay naghihintay sa kanilang sasakyang motorsiklo may ilang metro ang layo nito sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.