Bodegero, Bantay-Salakay sa Palay

HINDI NA nagawang makapagsinungaling ng isang pinagkakatiwalaang bodegero ng kanyang amo, makaraang mahuli sa akto sa pamamagitan ng CCTV camera na inilagay ng kanyang bossing nang hindi nito nalalaman sa loob mismo ng Vergara-Jerdenil Rice Mill sa Brgy, San Juan, Balagtas, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Alfonzo Cruz kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr. kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Reneboy Teodoro y Canedo, 28, bodegero, ng Brgy. Perez, Bulakan; Aldwin San Pedro, 29 at Edwin Bernardo, 25, kapwa ahente ng bigas, ng Brgy. Wawa, Balagtas; Alexander Chico, 44, Ricardo Reyes, 53 at Alvin Cruz, 44, ng Poblacion, Arayat at Candaba, Pampanga. Samantala, ang biktima ay nakilalang si Joanne NalusY Jardenil, 32, ng 465 MacArthur Highway, Brgy. San Juan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, huli sa akto habang iniipit ng sako-sakong gilik ang mga palay habang isinasakay sa isang Mitsubishi Canter aluminum close van na may plakang TRX-483 ang 40 kaban ng palay.

Nabatid sa may-ari ng ricemill na matagal na umano siyang duda sa ikinikilos ng kanyang mga tauhan, dahil madalas na kulang ang kanilang palay sa stock file kaya lihim nitong kinabitan ng CCTV camera ang kanyang bodega.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Balagtas Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.