BOC COMMISSIONER, SISIBAKIN?

NANGANGANIB NA MASIBAK sa kanyang puwesto si Bureau of Customs Commissioner Angelito Alvarez. Mula nang hawakan umano nito ang Bureau of Customs, ni minsan ay hindi naiangat ang koleksiyon sa loob ng apat na buwan, bagkus ay lalong lumaki ang shortfall sa collection.

Ito ang ipinaabot sa pahayagang ito ng ilang opisyal mismo ng BoC, na malaki umano ang kanilang paniniwala na kumukuha na lamang ng buwelo si Pangulong Noynoy Aquino at posibleng sibakin na ito.

Sa kasalukuyan, naghahabol ng collection na P30 bilyong kakailanganin upang mapunuan ang kabuuan na P280 bilyong target na koleksiyon ng Bureau of Customs sa taong 2010.

Subalit mariing sinabi ng ilang Customs insiders na mahihirapan si Comm. Alvarez na makuha ang naturang halaga sapagkat ang isang buwan at kalahati bago magtapos ang taong ito “is too short” lalo pa’t nag lay-low ang ibang importers sa pagpaparating ng kanilang mga kalakal.

Ang pangalawang dahilan umano ay hindi kaya ang mataas na bayaring P100,000 sa 40-footer container van at P80,000 naman sa 20-footer container van, at kapag may duda sa kargamento ay mayroon pang additional na babayaran bukod sa nabanggit na halaga dahil sa “bench marking” na ipinatutupad ng kasalukuyang pamunuan ng Customs.

Sa ngayon, mayroong umuugong na balita sa bakuran ng BoC na hindi umano nasisiyahan si Pangulong Aquino sa serbisyo ni Alvarez, dahil hindi nito kayang mapabuti ang collection ng kagawaran.

Bukod pa sa bagsak ang collection ng BoC, tila bumabalik ang corruption partikular na sa hanay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement Security Service (ESS), Examiners at Appraiser na siyang nagpapahirap sa importers.

Sinabi ng isang broker na ayaw magpakilala, na kahit wala umanong problema ang kanilang kargamento ay pinatatagal bago ito i-release kapag hindi sila nagbigay ng lagay sa mga ito.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.