BoC, Bigo sa Collection Target

 

KINUWESTYON SA House budget deliberation ang ka-biguan ng Bureau of Customs (BoC) na makuha ang target revenue collection para sa mga nakalipas na buwan.

Sa pagbusisi para sa pondo ng Department of Finance (DoF) kung saan attached agency ang BoC, ayon kay Zambales Rep. Milagros Magsaysay, hindi nasusunod ng naturang ahensiya ang itinatadhana ng Attrition Law.

Nagtataka tuloy ang lady solon kung bakit walang nasisibak na mga opisyal ng BoC kahit bigo ang ahensiya na matamo ang target revenue nito.

Base sa batas na ito, ang mga opisyal ng natu-rang ahensiya at Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nakaaabot sa buwanang target collection ay made-demote o masisibak sa puwesto. Pero nakapagtataka umano kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naaalis kahit sa regional collectors ng kawanihan, samantalang mula nang maupo si Customs Commissioner Ruffy Biazon ay hindi na naabot ang revenue collection.

Samantala, paliwanag naman ng opisyal, sa pamamagitan ni Appropriations vice chairman at Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, bumaba talaga ang kanilang koleksyon dahil na rin sa paghihigpit ngayon ng kanilang tanggapan dahil sa kampanya kontra sa smuggling.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.