Bobitang aktres, takot magpainterbyu sa Ingleserang actress-TV host

BLIND ITEM: Promo period ‘yon ng isang forthcoming soap, natural, obligado ang lead actress nito na galugarin ang mga show ng network. Isa roon ay isang live show, kung saan the original plan was to make the actress appear at a sit-down interview by a TV host-actress.

Agad ipinaalam sa manager ng aktres ang plano, pero agad itong nag-decline.

It’s the actress who seems to avoid any direct encounter with the TV host. Now we realize na hindi dahil sa kanilang iringan noon ang dahilan ng pagtanggi ng aktres na mainterbyu siya ng TV host.

Inglisera at matalino ang TV host, samantalang woman of form—and not of substance—lang ang aktres.

By Ronnie Carrasco

loading...

33 thoughts on “Bobitang aktres, takot magpainterbyu sa Ingleserang actress-TV host

  1. how sad na ang pagiging basehan nyo ng matalino eh yung nakakapagsalita ng ingles at bobo ang hindi marunong magsalita nito. eh ano kung tagalog ang salitang gamit mo? di makaka graduate si Marian Rivera ng college kung bobo sya.Hindi sya feelingera at nagpapaka sosyal na tao.Ano bang galit mo ke Marian at lagi mo syang tinitira?

  2. ngek! sobrang buildup naman itong si carasco kay heart. sineswelduhan itong si carrasco ng startalk kung saan si heart ay host. hence, gets mo na where his bias is coming. like promote heart at marians expense. dapat malaman ito ng gma na may isang writer na sinisiraan si marian.

  3. Kilala natin kong sino ang tinutukoy na Bobita at hindi Englisira ! Bakit kong hindi ka bihasa mag English Bobita ka na? Tingnan nyo nga ang achiement sa buhay ni Maran ? Bobita ba yan na maituturing? Kaya nga marunong mag English yong ibang artista dahil lumaki sila sa U.S.A. O ibang bansa di ba at isa dyan si Heart at siguro binabayaran iti ni Heart ang reporter na ito para ibagsak si Marian dahil hindi nya kayang pantayan ang nakamit ni Marian sa buhay! Kahit anong nega na write up against Marian stick pa rin kami kay Marian! Dongyan Forever!

  4. tangna! buong article dito ni carrasco, ni isang complete sentence sa english hindi nya nagawa. kaya pala ganun na lang ang laking paghanga nya sa mga englicizing people, sya mismo, bobo sa english.

  5. korek. ang vaklang ronnie kasi ang basehan nya ng intelligence ay english proficiency lang. kaya si heart, nuknukang dini dyos na ng vaklang hitad. kung di ko pa alam borrowed english yong ginagamit ni heart from reading novels. in short, plagiarized english yong ginagamit ni heart. hay ronnie, taas taasan mo yang pag gauge mo ng intelligence. makarinig ka lang fuck you at sonsofabitch, wow, english yon at vow in supreme adoration ka na. bullshit mo.

      • di naka move on sa issue ni karylle. nganga. 2014 na pero ang isang ito stuck in the past. fast forward ka na teh. napagiwanan ka na ng balitang ikakasal na si karylle na naka move on.

  6. The intelligence of a person can not be measured by the number of languages he/she can speak; by his/her proficiency in the English language; nor his/her educational attainments. Rather, intelligence is simply the attribute of having a common sense. What will you feel if somebody calls you “bobo” just because you’re not a lawyer or a doctor? What will you feel if somebody calls you “bobo” just because you can not solve a basic problem in algebra? What will you feel if somebody calls you “bobo” just because you can not use a microscope during a scientific experiment? Intelligence is never claimed, it is possessed! Back to the main issue, I didn’t see anything wrong if an actress can not speak in English fluently. As Dr. Jose Rizal puts it, “Ang Hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.”

  7. Pano yan Ronnie ilang beses ka ng nahulihan ng maling grammar sa articles mo kaya nga duda ko Tagalog na pagsusulat mo dahil madalas kang nakokorek, ibig bang sabihin bobita ka kahit graduate ka bilang honor student sa iyong paaralan?

  8. Porket di magaling mag-english ang tao bobo na agad.

    Eh mga column mo nga tagalog din ang pagka-sulat di ibig sabihin bobo ka rin Ronnie?

    Pati pala mga Hapon, Koreano, at Chinese na hindi marunong mag-english bobo na agad para kay Ronnie? Yun ba basehan ng katalinuhan?

    Ang kitid ng utak ng writer na ito? Kung may utak nga siya.

    • Ateng, si marian rivera po yun, at ayaw painterview ke heart. Me baagong teleserye si marian dba at magkaaway rin sila ni heart nung me movie sila dati (forgettable ang title eh, senx na, GMG mo nlng). Nasabi na rin ni Lolit yun

  9. hoy baklang ronnie!
    bat mo naman pina-tanggal ang mga comments namin?
    tinamaan kaba? ouch!!!
    hahahahahahaha!
    Pag magaling ba mag-english ang isang tao, matalino na?
    hindi diba? hahahahahahahahaha!
    masyado ka lang alipin ng western culture!
    o masyado ka lang inggit kay Marian!
    tanggapin mo na lang kasi na ayaw ni Ding-dong pumatol sayo kahit milyon pa yang i-offer mo!!
    ilusyunada! hahahahahaha!

    • oops!!!!!
      nandito pala yung mga comments!
      ano ng nangyayari dito sa website nato!
      minsan hindi nagloload, kanina naman hindi ma-search!
      tapos nawala temporarily yung mga comments!
      may pa captcha pa kayo dati tapos tinanggal naman!
      ang cheap ng maintenance dito ah!
      pasalamat kayo nag-eeffort kami dito! lol

  10. Angel Locsin! hahahahahahaha!
    TV host-Actress is Kris Aquino!
    pero agree ako sa mga kapam dito Ronnie!
    hindi english ang basihan ng katalinuhan!
    eh mas matalino pa nga ako sa uncle kung kano eh!
    masyado ka lang zombie ng western culture ronnie!
    parang wala ka nang common sense! which is importanteng basihan ng katalinohan! hahahahahahaha!

    • Hoy Angel Locring, hindi si Angel at Kris ito. Bobo mo talaga. Si Marian at Heart ito dahil binigay na ng writer ang clue na maski may iringan sila sa past. Hindi nag iringan ever sina Kris at Angel. May maisingit ka lang dahil sa sobrang galit mo kay Angel, nagmukha ka tuloy na gaga.

      • Relax lang mang Nestor!
        baka atakihin ka! lol.
        sabi kasi nila Marian at Heart maliit na isyu lang yun na pinalaki ng press at ibang tao kaya medyo nagkailangan sila dati at hindi umabot sa matinding iringan!
        kasi hindi rin naman magaling mag-english si Locring noh!
        hahahahahahaha!

      • naniwala ka naamn na maliit na issue lang yun?? hahahaa!! Kung maliit na issue lang yun sa kanila, bakit kaliwa’t kanan ang mga pasaringan nila dati kahit after na ng forgettable nilang pelikula bago nahilot ng GMA?

  11. Carrasco, ikaw kaya ang bobo at istupido ang pinagsusulat. Huwag mo ng idaan sa pa blind item ang pamba-bash mo sa artistang subject niyang BI mo. Sa totoo lang, iyang sinasabi mong ingglesera at matalino, non-sense ang mga pinagsasabi at kung magaling ka, dapat alam mo na maraming mali sa grammar at construction ng mga sentences na binibitawan nyang oa na ingglesera mo. Idagdag pa na mas may pinag-aralan at disiplina ang bina-bash mo, dahil natapos niya ang college degree niya, eh ang ingglesera mo, ano kaya ang naabot na pag-aaral? waley. Kaya Carrasco, hinay hinay ka sa pang-i-insulto mo, hindi porket nakaka-pag-english na, mas matalino at magaling na, dami kayang english speakers (que ano mang lahi iyan) na kasing bobo at istupido mo.

  12. Hindi ko alam na ang definition pala ng bobo is hindi nakapagsalita ng english. wow! sobrang bobo ko na pala kasi hindi ko alam mag english.

Leave a Reply

Your email address will not be published.