Boarding House, Nilamon ng Apoy

SA PAGSISIMULA palang ng Fire Prevention Month, isang boarding house ang natupok ng apoy sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay, Aklan.

Ayon kay Lt. Commander Jimmy Oliver Vingno, station commander ng Coastguard-Caticlan, bandang alas-4:30 kaninang hapon nang napansin nila ang usok sa may Caticlan Public Market kaya’t agad nila itong nirespondehan kasama ang Airport Fire Volunteer, Malay PNP at mga residente.

Pagdating sa lugar, totally-burned na ang isang boarding house na gawa sa light materials, kung saan agad namang naapula ang apoy sa loob ng 20 minutos dahilan para hindi na kumalat ang apoy sa kalapit na kabahayan.

Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa nasabing sunog.

Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyun kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang pinsala na idinulot nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.