Boarding House, Nasunog; 3 Boarder, Natusta

TATLONG KATAO ang namatay sa isang sunog na tumupok sa isang boarding­ house sa Ilaya, Mandaluyong City kamakailan.

Kinilala ang mga binawian ng buhay sa sunog na tumagal lamang ng kalahating oras na sina Ryan Lopez, 27, Dandy Gozarin, 28, kapwa accountant at Wendell Cabanglan, 23, na isang IT specialist.

Nakaligtas naman ang lima pang boarder na kasamahan ng mga biktima.

Sinabi ni Rene de Dios, isa sa mga nakaligtas sa sunog na pasado ala-1:27 ng madaling- araw nang sumiklab ang apoy habang patulog na sila sa boarding house na matatagpuan sa Lions Road, Brgy. Barangka, Ilaya, Mandaluyong City.

Sinabi ni De Dios na malaki na ang apoy nang kanyang makita na nagmula sa isang kuwarto ng boarding house at agad siyang sumigaw para maipaalam sa ibang kasamahan.

Minalas naman umanong hindi na nakalabas ang tatlong biktima na nasa banyo at nasa likurang bahagi na ng boarding house nang makita ang kanilang mga katawan.

Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga imbestigador ang sanhi ng naturang sunog­.

Samantala, inaalam na rin ng mga kinauukulan ang halaga ng ari-ariang ti­nu­pok ng apoy, na umabot lamang ng unang alarma at naideklarang fireout dakong alas-2:00 ng madaling-araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.