Board of Inquiry vs Ifugao ambush, sinimulan na

UMARANGKADA NA ang Board of Inquiry na binuo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang linawin ang ang pananambang ng New People’s Army (NPA) sa 11 mga sundalo at dalawang sibilyan na nasawi sa Brgy. Binablayan, Tinoc, Ifugao.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr., mismong si Col. Rey Labanin, deputy brigade commander ng 502nd brigade ang namuno para kumuha ng detalye upang mabatid kung may pagkukulang ang militar sa pagpapatupad ng seguridad.

Nilinaw ng tagapagsalita ng sandatahang lakas na mababatid kung nagkaroon ng kapabayaan sa naganap na pananambang.

Aniya, hindi pa umabot sa pagsibak ng sinumang sangkot na opisyal ang AFP, dahil sa ngayon nakasentro sa pursuit operation laban sa mahigit 40 mga NPA ang tropa ng pamahalaan sa lugar.

“Ang pinupuntirya natin ngayon, ang focus natin is the pursuit of the perpetrators at darating tayo d’yan. In fact nabanggit ko nga that ‘yong liderato ng 5th Infantry Division has already organized a Board of Inquiry para malaman natin ang buong pangyayari at du’n sa maga-gather na mga data, facts and pieces of evidence, du’n natin malalaman kung ano talaga ang puno’t dulo nito at kung merong kapabayaan,” ani Burgos.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.